08/11/2022
5 hard truths of Filipino Money Problems.
PART 5
>Maagang nagkapamilya or di financially ready nung nagka family.
According sa website philippines.unfa.org, Pilipinas ang may pinakamataas na teenage pregnancy sa lahat ng bansa na miyembro ng ASEAN.
Hindi naman natin matatanggi na kulang talaga sa tamang s*x education, and right influence ang karamihan sa mga kabataan ngayon.
Kalimitan ng makikita mo sa influencers ay pranks, drama, toxic relationships and iba pa. Walang masama diyan kasi it is purely for entertaiment only.
However, wag natin kalimutan kung anong madalas nating pinapanuod or binabasa ay ayun din ang mas mabilis nating makukuha as an influence natin sa buhay.
Bihira ka lang makakakita ng mga taong sobrang daming followers when it comes to life, travel, motivation and financial literacy.
Naging normal sa Pilipinas ngayon na katorse pa lang or wala pa sa tamang edad ay buntis na at ina-alagaan ng magulang ang mga apo nila.
Kaya makikita mo to ngayon ay fineflex na lang sa social media na proud teenage parent.
Masarap maging magulang sa isang napakacute na baby if ikaw mismo financially stable ka na at di ka sa magulang aasa ng pang-gatas and diaper.
Imagine mo na, habang bata ka pa, binubuo mo muna ung pangarap mo na career and buhay na pwede makatulong sa mga magulang mo na nagpalaki sa sayo as a form of gratitude.
Why not, na kesa sa love life umiikot agad ung buhay mo at a young age, pinaiikot mo muna to sa goals mo.
Tulad sa kung san mo lugar unang magtravel magisa, or anong first car ba gusto mo or san mo gusto dalhin ung family mo for a long vacation.
Habang bata ka pa, unahin mo muna magkaroon ng tamang knowledge and wisdom na makakatulong sayo adulthood mo. Surround yourself with the right circle.
Napakimportante ng tamang influence habang bata ka pa, kasi it will either make you or break you.
Be inspired and be part of Level Up Club PH.
For More Updates
✅Like and Follow this page https://www.facebook.com/pinoypesossense for more updates!!
✅Like and Follow my social media accounts for more business activities!
Twitter: https://twitter.com/AcesKath
IG: https://www.instagram.com/AcesKath/
Facebook: https://www.facebook.com/kathbarbato/