19/08/2025
Ano nga ba ang Education Planning?
Educational planning ay ang paghahandaan ng maaga para sa child’s education expenses — para siguradong may naka-allocate na pondo when the time comes. It’s not just saving money, it’s making sure na hindi magiging hadlang ang finances sa future ng anak mo. 💙
Narinig o naaalala mo ba ang CAP (College Assurance Plan)?
Isa siya sa pinakaunang at pinakasikat na educational plan provider(pre-need insurance) sa Pilipinas noong 1980s–1990s. Maraming parents ang kumuha kasi ang promise nila: “pay now, study later” — meaning maghulog ka ng fixed amount ngayon, tapos covered na tuition ng anak mo pagdating ng college.
Eventually, nagsara dahil sa mismanagement at hindi nila na-sustain ang promises nila.
Kung ngayon naghahanap at nag-iisip ka na simulan ang educational plan, pwede nga ba ang VUL Plans?
Pwede pero depende. Katulad na lamang ng bank, gold and other investment options, pwede yang maging Educ plan.
Paano nga nagiging Educ Plan ang isang VUL Plans (Insurance + Investment Plans)?
Kapag kumuha ka ng VUL plan, a portion of your premium will go to Insurance, and a portion will go to Investment -- pwede mong piliin ang stocks or bonds.
1. Insurance - habang nag-iipon ka for your child's education, may peace of mind ka na, whatever happens to you, may makukuha ang pinapaaral mo dahil sa protection benefits nito since ikaw ang income provider.
2. Investment - Hindi man ito guaranteed dahil market volatility, may panghuhugutan ka pa rin naman in case, mangailangan ka ng additional funds for educ. Maganda rito, ikaw ang pipili kung saan mo siya iinvest -- pwedeng stocks(high risk, high rewards) or bonds(if conservative ka since maliit ang risk).
Tingnan na lang natin sa mas malawak na perspektibo kung ito ay isasave mo lamang sa bangko. Liban sa kalaban mo ang risk ng inflation, nandyan rin ang kinatatakot nating mga uncertainty. Imbes na sa educational funds natin gamitin, magamit natin pangbayad ng medical bills.
Kung di mo naman trip ang VUL Plan, pwede mo rin namang maging option ang Whole life plans. Maliban sa INSURANCE features nito, may annual payout, guaranteed cash values(pwede mong i-loan) at cash dividends features pa ito.
Pwede ka pa rin namang mag-explore ng other options like MP2, stocks, bonds, UITF, Mutual funds etc.
If you want a clearer version nung table, PM nyo lang ako para makita nyo ang projected tuition fees ng mga universities na yan. Baka nandyan ang ine-eye mong school na gusto mong ipasok ang nakshi mo.