12/05/2025
Kung wala ka pa ring ipon ngayon dapat mo itong mabasa:
Financial Tips 101
Kung 10k pesos lang ang ipon mo para sa retirement, hindi ito sapatโlalo kung wala ka pang ibang pinagkakakitaan o assets. Para magbigay ng perspective:
Kung titigil ka sa trabaho at 10k lang ang hawak mo, mauubos ito agad sa ilang linggo o kahit ilang araw, depende sa gastusin mo.
Ang mga karaniwang retirees sa Pilipinas ay kailangan ng 5kโ20k pesos kada buwan para sa basic needs (pagkain, kuryente, gamot, etc.).
Ibig sabihin, sa isang taon pa lang, 60kโ240k pesos na agad ang kailangang ihanda.
Pero huwag mawalan ng pag-asa. May magagawa ka pa para makahabol kahit paunti-unti. Pwedeng:
1. Maghanap ng sideline na kahit maliit, tuloy-tuloy ang kita.
2. Magtabi ng bahagi ng kita kada buwan.
3. Mag-invest sa mga low-risk instruments gaya ng Pag-IBIG MP2, SSS Flexi-Fund, o digital banks na may mataas na interest at kumuha ng Life Insurance para sa agarang financial assistance pag kinakailangan.
4. Gamitin ang skills mo para makapagsimula ng maliit na negosyo.
5. Sumangguni sa mga Financial Expert upang matulungan kang magplano.
Kung nais mong makaipon pra sa iyong retirement maaari kitang matulungan gumawa ng retirement recovery plan kahit late na sa game. Maaari natin i-base sa edad mo, kita mo ngayon, at gaano mo planong mag-retire.
Lamang ang may Alam โบ๏ธ