15/03/2024
Kung may tanong at interested sa insurance, message Nicolle Tiffany Garcia. ๐คโค๏ธโจ
๐ ๐๐๐๐๐ก๐ข ๐ก๐๐ ๐๐?
Not all premiums are created equal.
Nagtataka ka ba kung bakit 'yung binabayaran ng high school friend mo sa same insurance company ay mas mura kesa sa binabayaran mo?
Paano nga ba nacocompute ang Premium?
At magkano ba ang dapat na premium ko?
Kapag ba mas mura, sulit na?
Alamin natin!
Premium - ito 'yung tawag sa binabayaran mo para sa plan na kinuha mo. Pwedeng monthly, quarterly, semi-annual, annual.
Charges - ito 'yung breakdown ng napupuntahan ng premium mo. Lalo na sa mga plans na may kasamang investments (VUL), itong charges ang pambawas sa fund value.
Factors affecting premium:
1. Age
Kapag mas matanda, mas mahal ang charges.
Mas bata, mas mura ang charges.
It plays around what we call "mortality rates."
Ang mortality ay tumutukoy sa "pagkamatay."
Tumataas ang mortality rate, mas tumataas chance na mamatay ang isang tao.
At mayroong mortality rate table na sinusunod ang insurance companies. Ito ay inuupdate regularly ng ating statistics body sa bansa.
Kaya totoo yung mas mura ang insurance habang bata.
2. Gender
There are companies na nagbabago ang premium depende sa gender. Related rin ito sa mortality and health risks. Mas prone ang kababaihan sa breast cancer. Mas prone ang kalalakihan sa vehicular accident.
May mga sakit na mas marami sa pang babae, meron rin namang sakit na related sa lifestyle na mas ginagawa ng mga lalaki.
Sa company namin, pareho lang tho ang premium whether lalaki or babae.
3. Occupation
May mga trabahong mas delikado.
May mga trabahong hindi insurable.
Meron namang "rated" ang benefits. Mas mababa at mas mahal.
4. Amount of insurance benefits
Kapag mas malaki benefit mo, mas mataas ang charges. It will result to higher premium.
5. Type of insurance benefits
Iba ang charges ng death benefit kumpara sa charges ng critical illness benefit. Bawat benefit, may kanya kanyang insurance charge rates yan.
6. Complexity of benefits
Meron kasing benefits na same nature pero mas bongga yung isa.
Sample, critical illness coverage. Pero yung isa, basic lang (one-time use). Yung isa, multiple use. Syempre mas mahal yung multiple use.
Depende yan sa features, coverage, inclusions, etc.
7. Policy fee
Minimal cost per year ito na ang purpose is ma-cover ang administrative costs related sa pag create ng policy. From the software applications down to web portals and even payment methods. 33 pesos per month ito.
8. Management fee
Kung mayroong investment component ang policy na nakuha mo, kasama ito sa charges at it contributes to the premium. Ito ang bayad sa mga investment fund managers (asset companies) to regulate your funds.
Marami pang iba.
Kaya wag magtaka kung bakit magkaiba kayo ng premium na binabayaran.
Ang 3k/month mo ay maaring iba sa 3k/mo nya. Kung gusto talaga pagtapatin, compare lahat ng aspeto.
Now, the bigger question is:
Magkano ba dapat ang premium na binabayaran mo?
May mga controllable ka and uncontrollable dyan. Unahin natin uncontrollable:
1. Your age. Default na yan talaga. Di mo na pwede i-bargain kung magkano ang charge/rates sa age mo. (Kaya we encourage lang rin to start early kung mas mura ang charges)
2. Your occupation (may mga taong ang trabaho is fixed na talaga. Yun na ang field of work nila, mahirap namang work ang mag aadjust para sa insurance diba)
Ang mga controllable mo:
1. Ano ba ang investment goals mo?
2. Ano ba ang purpose and need mo for insurance?
Dyan kasi nakadepende yung magiging content ng insurance or VUL plans mo.
Higher insurance = Lower investment
Lower insurance = higher investment
Hindi yan accurate ha and not super correlational. Pero gets nyo ang point nyan kasi pag tumaas ang insurance benefits, taas rin ang charges, na binabawas sa investments mo.
Also, be mindful to check if kaya ba ang premium? Kaya ba masustain?
Ilang percent ito ng monthly income mo?
We can suggest 10% average. Again, iba iba yan sa mga tao.
Unahin rin syempre ang emergency fund and savings. Maglaan rin ng akmang budget for needs.
Sa next write-up ko siguro ilagay, ano ang mga necessary guide checklist mo bago kumuha ng isang insurance plan.
Sa ngayon, ito muna. โค๏ธ
๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐ฌ ๐๐ฅ๐๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐จ๐ฅ๐๐๐ฆ!
Follow my page โก๏ธ Arnel Legaspi Jr, CPA - Finance Planner
Go to my featured post! Check out my compilation of facebook posts about insurance!