27/06/2024
Para mapabilis ang internet connectivity kabilang ang mga malalayong lugar sa bansa, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Digital Infrastructure Project (PDIP) na may pongdong $288 milyon mula sa World Bank loan.
Sa pautang na ito, inaasahang makakakuha ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng mga domestic submarine cable sa buong Visayas na ikokonekta sa Mindanao at dapat ring makapagbigay ng 772 libreng Wi-Fi sites na nakatuon sa Mindanao.
Sa kasalukuyan, inilunsad na ng gobyerno ang phase 1 ng naturang proyekto mula Baler hanggang Laoag at sa Metro Manila.