17/07/2025
Quick explanation of uniform 20% tax on interest income from your savings
Starting July 1, 2025, lahat ng interest income (tubo sa pera mo sa bangko) ay may flat na 20% buwis — kahit anong amount, currency (peso o dollar), o gaano katagal naka-deposit.
Dati kasi:
✔️ Kapag naka-time deposit ka ng 5 years or more – tax-free
✔️ 4–5 years – 5% tax lang
✔️ 3–4 years – 12%
✔️ Less than 3 years – 20%
✔️ Dollar accounts – 15%
Ngayon:
Lahat ng bagong deposits (kahit ilang taon pa yan), 20% na agad ang kaltas sa interest.
Halimbawa:
Kung kikita ng ₱1,000 interest ang pera mo, automatic may kaltas na ₱200 (20%), so ₱800 na lang ang matatanggap mo.
Good news naman:
✅ Kung may old deposits ka bago July 1, hindi pa ito apektado. Luma pa rin ang tax rate nila hangga’t hindi pa nagma-mature.
Bakit ginawa ito?
Para mas simple at pantay ang buwis sa lahat ng savings at investment products. Para narin maka-level sa ibang bansa.
📌 Bottom line:
Wala nang tax-free interest kahit long-term pa ang ipon mo. Lahat ng bagong deposit mula July 1, may automatic 20% tax na sa tubo.
Kung gusto mong malaman kung saan pa mas okay mag-invest ngayon, or kung paano mo ma-maximize ang pera mo, just let me know! 💬
Photo credits to Serbisyong Pilipinas