PHilMech Public Awareness

Directions

PHilMech Public Awareness Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PHilMech Public Awareness, CLSU Compound, Muรฑoz.

๐๐ก๐ข๐ฅ๐‘๐ข๐œ๐ž ๐ง๐š๐ -๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐กUpang mapalawak ang ugnayan at palitan ng kaalaman sa pagitan ng dalawang panguna...
01/12/2025

๐๐ก๐ข๐ฅ๐‘๐ข๐œ๐ž ๐ง๐š๐ -๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก

Upang mapalawak ang ugnayan at palitan ng kaalaman sa pagitan ng dalawang pangunahing institusyon sa sektor ng bigas, nagsagawa ng learning visit ang mga empleyado ng Department of Agriculture-PhilRice sa PHilMech.

Sa naturang pagbisita, binigyan sila ng overview tungkol sa mga programa at inobasyon ng PHilMech na naglalayong itaas ang produktibidad at kahusayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng makinarya at modernong teknolohiya.

Bilang mahalagang bahagi ng aktibidad, dinala ang grupo sa Technology Management and Demonstration Center, kung saan nakita at natutunan nila ang ibaโ€™t ibang developed technologies ng ahensya.

Sa kabuuan, ang pagbisita ay nagsilbing plataporma para palakasin ang kolaborasyon ng PhilRice at PHilMech, na kapwa nagsusulong ng mas makabago, episyente, at progresibong sektor ng pagsasaka sa bansa.


๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก, ๐ง๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐€๐ƒ๐ˆ๐–๐€ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐„๐ฑ๐ฉ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Nakiisa ang PHilMech sa KADIWA ng Pangulo Expo 2025 na ginanap sa Foro d...
01/12/2025

๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก, ๐ง๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐€๐ƒ๐ˆ๐–๐€ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐„๐ฑ๐ฉ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Nakiisa ang PHilMech sa KADIWA ng Pangulo Expo 2025 na ginanap sa Foro de Intramuros, Manila. Pinangunahan nina Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Manila Mayor Isko Moreno ang expo tour na nagpakita ng pinalawak na Kadiwa network.

Tampok sa PHilMech booth ang Rice Competitiveness Enhancement Fund at Coconut Farmers and Industry Development Plan, kung saan namahagi ang ahensya ng IEC at advocacy materials. Ang expo ay proyekto ng DA katuwang ang ibaโ€™t ibang ahensya at mga farmersโ€™ cooperatives and associations upang palakasin ang lokal na suplay at kabuhayan ng mga magsasaka.

๐‡๐ข๐ง๐ข๐ซ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐…๐…๐ˆ๐€, ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐ฌ๐ฆ๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ๐š๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐ž๐ฉ๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐กNagsagawa ng learning immersion sa ...
24/11/2025

๐‡๐ข๐ง๐ข๐ซ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐…๐…๐ˆ๐€, ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐ฌ๐ฆ๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ๐š๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐ž๐ฉ๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก

Nagsagawa ng learning immersion sa PHilMech ang mga kinatawan ng Hinirang ng Magsasaka Federation of Farmersโ€™ Irrigators Association (FFIA) upang tuklasin ang mga makabagong pamamaraan sa agrikultura at estratehiya sa agripreneurship. Sa kanilang paglibot sa Technology Management and Demonstration Center ng ahensya, nasaksihan nila ang ibaโ€™t ibang farm machineries at teknolohiya na makakatulong sa mas episyenteng produksyon at operasyon sa sakahan.

Sa pamamagitan ng kanilang pagbisita, inaasahang maipapatupad nila ang mga natutunang teknolohiya at best practices, na magdudulot ng mas episyenteng operasyon at mas mataas na ani.


๐‹๐†๐” ๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐ข๐๐š๐›๐ฅ๐š๐ง๐œ๐š, ๐›๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐จ๐ค๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐š๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐šBumisita sa PHilMech ang Local Government...
24/11/2025

๐‹๐†๐” ๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐ข๐๐š๐›๐ฅ๐š๐ง๐œ๐š, ๐›๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐จ๐ค๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐š๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š

Bumisita sa PHilMech ang Local Government Unit (LGU) ng Floridablanca, Pampanga upang mas mapalalim ang kanilang kaalaman tungkol sa modernisadong pagsasaka at paggamit ng mga angkop na teknolohiyang ipinagkakaloob ng PHilMech na maaaring magamit ng munisipalidad upang makamit ang sustainable growth at mapaunlad pa ang food productivity sa kanilang lugar.

Bilang bahagi ng kanilang pagbisita, nilibot din sila sa Technology Management and Demonstration Center ng ahensya. Dito ay nakita nila ang ibaโ€™t ibang teknolohiyang dinevelop ng PHilMech, kabilang na ang grain probe moisture meter.


๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐ฌ๐ข๐š๐ง ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ฌ๐จ๐ซ๐ฌ ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ค๐š๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐šIpinakita ng PHilMech ang mga makabagong mga teknoloh...
21/11/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐ฌ๐ข๐š๐ง ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ฌ๐จ๐ซ๐ฌ ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ค๐š๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š

Ipinakita ng PHilMech ang mga makabagong mga teknolohiya at pamamaraan sa agrikultura sa mga bisitang propesor mula sa Universiti Putra Malaysia sa kanilang Visiting Professor Event sa ilalim ng Global Lecture Series for Agricultural Engineering Graduate Students. May temang โ€œSustainable Agricultural and Postharvest Engineering for Tropical Food Systemsโ€, layunin ng programa na bigyan ng kaalaman at solusyon ang mga graduate students sa mga hamon ng agrikulturang tropikal.

Pinasyalan din ng mga bisita ang Technology Management and Demonstration Center at Agricultural Machinery Design and Prototyping Center ng PHilMech, kung saan nasilayan nila ang mga makabagong kagamitan at disenyo sa mechanization at postharvest technology.


๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก ๐ง๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐Ÿ๐ญ๐ก ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌโ€™ ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌMasigla at makabuluhan ang partisipasyon ng PHilMech sa 11th Pala...
21/11/2025

๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก ๐ง๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐Ÿ๐ญ๐ก ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌโ€™ ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ

Masigla at makabuluhan ang partisipasyon ng PHilMech sa 11th Palayan City Farmersโ€™ Congress na ginanap sa Farmersโ€™ Plaza, Brgy. Atate, Palayan City, Nueva Ecija! Dito nagtipon ang mga magsasaka, kooperatiba, lokal na opisyal, at iba pang stakeholders upang matuto, makakita ng teknolohiya, at makipag-ugnayan sa komunidad.

Tampok sa PHilMech booth ang Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program, kung saan nangunguna ang ahensya sa pagpapatupad ng makabagong teknolohiya sa agrikultura. Layunin ng programa na pataasin ang produktibidad sa bukid, bawasan ang postharvest losses, at bigyang daan ang mga magsasaka sa paggamit ng makabago at siyentipikong solusyon.

Hindi nagpahuli ang booth ng PHilMech sa dami ng bumisita. Mahigit isang libong mga bisita ang naglibot at nagtanong tungkol sa mga teknolohiya at programa ng ahensya. Kasabay nito, namahagi rin ang PHilMech ng mga giveaways tulad ng notebooks, ballpens, bags, hats, caps, at t-shirts, bilang suporta sa promosyon ng makinaryang pang-agrikultura.

๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก ๐ญ๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐๐€๐…๐„๐’ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐š๐›๐ž๐ฅ๐šUmani ng interes ang PHilMech sa NAFES Month Celebration sa pagdiriwang ng Nati...
13/11/2025

๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก ๐ญ๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐๐€๐…๐„๐’ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐š๐›๐ž๐ฅ๐š

Umani ng interes ang PHilMech sa NAFES Month Celebration sa pagdiriwang ng National Agriculture and Fisheries Extension Services (NAFES) Month sa Santiago City Sports Complex, Isabela.

Bilang isa sa mga lead implementing agencies ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), ipinakita ng PHilMech ang mga pangunahing programang tumutulong sa pagpapabuti ng ani, pagbawas ng postharvest losses, at pagpapalago ng kabuhayan ng mga magsasaka.

Namahagi rin ang ahensya ng mga IEC materials at giveaways habang nagbibigay-kaalaman sa mga bisita tungkol sa mga bago nitong makinarya at teknolohiya.

๐‹๐ž๐Œ๐Œ๐‚๐€๐ ๐๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š, ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ค๐š๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐šUpang matutunan ang mga bagong paraan ng mekanisadong at matal...
12/11/2025

๐‹๐ž๐Œ๐Œ๐‚๐€๐ ๐๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š, ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ค๐š๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š

Upang matutunan ang mga bagong paraan ng mekanisadong at matalinong pagsasaka, bumisita sa PHilMech ang mga miyembro ng LeMMCAP - Pampanga Chapter.

Layunin ng pagbisita na makita at matutunan ang mga makabagong teknolohiya sa mekanisasyon ng pagsasaka, postharvest handling, at value-adding systems ng PHilMech.

Sa kanilang paglibot sa Technology Management and Demonstration Center at Agricultural Machinery Design and Prototyping Center ng ahensya, ipinakita ang mga makinaryang tumutulong sa mga magsasaka ng palay at high-value crops, at kung paano ito nakapagpapagaan ng trabaho at nakapagpapataas ng ani.

Ang karanasang ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga LGU sa Pampanga upang maisulong ang makabagong teknolohiya sa agrikultura.


๐Œ๐ ๐š ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐๐•๐’๐”, ๐›๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐กBumisita sa PHilMech ang mga estudyante at g**o mula sa Nueva Vizcaya State ...
07/11/2025

๐Œ๐ ๐š ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐๐•๐’๐”, ๐›๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก

Bumisita sa PHilMech ang mga estudyante at g**o mula sa Nueva Vizcaya State University (NVSU) upang mas mapalalim ang kanilang kaalaman sa makabagong teknolohiya sa agrikultura.

Tampok sa kanilang pagbisita ang Laboratory Services Facility, Technology Management and Demonstration Center, at Agricultural Machinery Design and Prototyping Center ng ahensya.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga kabataan at g**o na ipagpatuloy ang pag-aaral at pananaliksik para sa pag-unlad ng agrikultura.


๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก, ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐กKasama ang PHilMech sa pagdiriwang ng Nueva Ecija Coopera...
04/11/2025

๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก, ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก

Kasama ang PHilMech sa pagdiriwang ng Nueva Ecija Cooperative Celebration sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City! Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Government of Nueva Ecija sa pakikipagtulungan ng PCEDO, PCDC-Nueva Ecija, at Liga ng CDOs sa Pilipinas-NE Chapter, bilang bahagi ng National Cooperative Month (RA 11502).

Ibinida ng PHilMech ang mga programang ipinatutupad ng ahensya, tulad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program at Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), na patuloy na nagbibigay ng oportunidad sa mga magsasaka at kooperatiba upang maging mas produktibo at makasabay sa makabagong agrikultura.

Higit 900 kooperatiba ang bumisita sa PHilMech booth na pinilahan para sa impormasyon, tanungan, at giveaways! Namahagi rin ang ahensya ng mga IEC materials tulad ng caps, bags, notebooks, ballpens, at shirts bilang suporta sa promosyon ng makinaryang pang-agrikultura.

๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐ข๐ช๐ฎ๐ข ๐Ÿ๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐š๐ ๐ซ๐ข-๐ญ๐ž๐œ๐ก ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐กBumisita sa PHilMech ang delegasyon mula sa LGU Malasiqui, Pangasinan ...
20/10/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐ข๐ช๐ฎ๐ข ๐Ÿ๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐š๐ ๐ซ๐ข-๐ญ๐ž๐œ๐ก ๐ฌ๐š ๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก

Bumisita sa PHilMech ang delegasyon mula sa LGU Malasiqui, Pangasinan bilang bahagi ng kanilang Season-Long Training Farmer Field School on Sustainable Rice Production ngayong Wet Season 2025.

Kasama sa kanilang Lakbay Aral ang pagbisita sa Technology Management and Demonstration Center ng ahensya, kung saan natuklasan at natutunan nila ang paggamit ng ibaโ€™t ibang makabagong makinarya sa pagsasaka gaya ng grain probe moisture meter, onion seeder, at walking-type tractor multi tiller.

Layunin ng aktibidad na maibahagi sa mga magsasaka ang mga angkop na teknolohiya upang mapahusay ang kanilang operasyon sa pagsasaka at mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga programa at proyekto ng PHilMech.


๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก ๐š๐ญ ๐๐„๐…, ๐ง๐š๐ -๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ค๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐›๐šUpang mas mapalawak ang suporta sa mga fa...
15/10/2025

๐๐‡๐ข๐ฅ๐Œ๐ž๐œ๐ก ๐š๐ญ ๐๐„๐…, ๐ง๐š๐ -๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ค๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐›๐š

Upang mas mapalawak ang suporta sa mga farmer cooperatives, bumisita ang Peace and Equity Foundation (PEF) sa PHilMech para pag-usapan ang mga posibleng joint initiatives na tutulong sa pagpapalakas ng mekanisasyon at agribusiness development sa mga komunidad.

Layunin ng PEF na mapalago ang mga social enterprises at mabigyan ng oportunidad ang mga magsasaka sa kanilang partner communities sa pamamagitan ng sustainable models at best practices.

Sa kanilang pagbisita, tinalakay kung paano maaaring makatulong ang PEF upang maging benepisyaryo ng PHilMech RCEF Mechanization Program ang kanilang mga cooperative partners, partikular sa Rice Processing System.


Address

CLSU Compound
Muรฑoz
3119

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PHilMech Public Awareness posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share