19/05/2026
Isang mahalagang paalala:
👉Para sa mga miyembrong nakabili na ng raffle ticket bago ang Mayo 18, 2026, HINDI na po kayo isasama sa mandatory deduction.
Mangyaring magsumite ng ticket stub o pangalan sa master list bilang patunay upang ma-update ang inyong account.
👉Tanging mga miyembro lamang na nakatanggap ng higit sa ₱500 na dibidendo para sa kasalukuyang taon ang saklaw ng mandatory deduction.
Kung hindi umabot ang inyong dividend amount sa nasabing threshold, hindi po kayo isasama sa listahan ng may bawas.
Para sa: Lahat ng Kamay-ari ng St. Francis Coop-Meycauayan
Mula sa: Pamunuan ng Kooperatiba
Petsa: Mayo 8, 2026
Paksa: Mandatory na Pagbawas sa Savings para sa Raffle Ticket (Naka-assign sa Miyembro)
Magandang buhay po sa lahat ng Kamay-ari!
Sa patuloy na pagsuporta ng ating Kooperatiba sa mga programang naglalayong palakasin pa ang ating samahan at magbigay ng dagdag na benepisyo sa mga miyembro, kami po ay magpapaalam na magkakaroon ng mandatory na pagbawas sa inyong savings upang gamitin sa pagbili ng raffle ticket bilang bahagi ng ating fundraising activity.
Ang bawat ticket na maibebenta ay naka-pangalan at naka-assign sa bawat miyembro, kaya’t ang bawat isa ay awtomatikong kalahok sa raffle draw.
Layunin ng programang ito na:
• Mapalakas ang pondo ng Kooperatiba para sa mga proyekto at serbisyo;
• Mapalawig pa ang mga benepisyo para sa lahat ng miyembro;
• Hikayatin ang aktibong pakikilahok ng bawat isa sa mga programa ng samahan.
Ang halagang ibabawas ay ₱300.00 lamang at ito ay ipapatupad sa darating na Mayo 18, 2026
Mga premyong maaaring mapanalunan sa raffle:
• Grand Prize: BRAND NEW TOYOTA LITE ACE
• 1st Prize: ₱ 100,000.00
• 2nd Prize: ₱ 50,000.00
• 3rd Prize: ₱ 30,000.00
• Consolation Prizes: 10 winners of ₱1,000.00 / 5 units of rice coocker / 5 units of Electric Fan / 5 units of food processor / 5 units of blender.
PAALALA:
👉Para sa mga miyembrong nakabili na ng raffle ticket bago ang Mayo 18, 2026, HINDI na po kayo isasama sa mandatory deduction.
Mangyaring magsumite ng ticket stub o pangalan sa master list bilang patunay upang ma-update ang inyong account.
👉Tanging mga miyembro lamang na nakatanggap ng higit sa ₱500 na dibidendo para sa kasalukuyang taon ang saklaw ng mandatory deduction.
Kung hindi umabot ang inyong dividend amount sa nasabing threshold, hindi po kayo isasama sa listahan ng may bawas.
Sa pamamagitan ng programang ito, ang bawat miyembro ay hindi lamang nakikibahagi sa pagpapaunlad ng Kooperatiba kundi may pagkakataon ding manalo ng mga papremyo.
Umaasa kami sa inyong patuloy na suporta at kooperasyon para sa tagumpay ng ating mga layunin bilang isang matatag na samahan.
Maraming salamat po!