Opisyal na Prenza NHS Cooperative

Opisyal na   Prenza NHS Cooperative Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Opisyal na Prenza NHS Cooperative, Credit Union, prenza I, Marilao.

April 6, 2026Alinsunod sa by-laws, matagumpay na naisagawa ang paghahalal ng Chairman at Vice Chairman ng Board of Direc...
06/04/2026

April 6, 2026

Alinsunod sa by-laws, matagumpay na naisagawa ang paghahalal ng Chairman at Vice Chairman ng Board of Directors, sampung (10) araw matapos ang General Assembly, sa pamamagitan ng lihim na botohan ng mga miyembro ng BOD.

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag, maayos, at makatarungang pamumuno para sa kapakanan ng buong samahan.

Chairman: Catalina Lopez
Vice Chairman : Andrea Bernabe

29/03/2026

Para po sa KAALAMAN ng lahat ng kasapi ng ating kooperatiba.

MGA KAPASYAHAN/RESOLUTION NA PINAGTIBAY NOONG NAKARAANG GENERAL ASSEMBLY
March 28, 2026
1. KAPASYAHAN NG LUPON BLG. 1 S. 2026

✅ 1. Ang mga kasaping dalawang (2) taon na lamang bago ang kanilang sapilitang pagreretiro ay papautangin na lamang sa halagang katumbas ng kanilang saping puhunan.

✅ 2. KAPASYAHAN NG LUPON BLG. 2 S. 2026
Nag-atas ng taunang pagdaragdag ng saping puhunan na isang libong piso (₱1,000.00) na ibabawas sa taunang dibidendo ng mga kasapi.

✅ 3. KAPASYAHAN NG LUPON BLG. 3 S. 2026
Hindi pagbibigay ng dibidendo sa mga kasaping hindi nakakabayad ng kanilang pagkakautang o loan.

✅ 4. KAPASYAHAN NG LUPON BLG. 4 S. 2026
Ang pagbabalik at pagpapatupad ng 5% na Capital Build-Up (CBU) para sa mga kasaping nagloloan.

✅ 5. KAPASYAHAN NG LUPON BLG. 6 S. 2026
Ang pagbili ng filing cabinets at iba pang kagamitan ng kooperatiba ay ibabawas sa optional fund.


✖️✳️ Ang Kapasyahan ng Lupon Blg, 5 ukol sa Goodwill Benefits para sa mga retiring officers ay hindi napagtibay.

Pinababatid din po sa lahat ang PASASALAMAT sa lahat ng dumalo sa naganap na General Assembly. Patuloy po sana nating tangkilin ang ating kooperatiba para sa patuloy na pag-unlad.
Muli maraming salamat po mga kaKOOP❤️💕❤️

22/03/2026

📢 ANUNSYO

Ang Prenza National High School Multipurpose Cooperative ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng kasapi na dumalo sa ating General Assembly.

🔹 PART 1: Election of Board of Directors and Committee
📅 Petsa: March 25, 2026
⏰ Oras: 9:00 AM – 1:00 PM
📍 Lugar: Dressmaking Laboratory

🔹 PART 2: General Assembly
📅 Petsa: March 28, 2026
⏰ Oras: 8:00 AM
📍 Lugar: PNHS Covered Court

🎁 Mga Paalala at Benepisyo:
• Ang lahat ng kasaping dadalo ay makakatanggap ng Php 500.00
• May pagkakataon ding manalo sa ating raffle
• Pagkatapos ng programa ay ipamimigay ang dibidendo ng mga kasapi

⚠️ Mahalagang Paalala:
Ang mga kasapi na hindi regular sa pagbabayad ng kanilang loan ay hindi makakatanggap ng dibidendo, at ito ay awtomatikong ibabawas sa kanilang umiiral na loan.

📌 Inaanyayahan ang lahat na makiisa at maging bahagi ng mahalagang gawaing ito. Maraming salamat!

BOD Monthly MeetingIsang paghahanda ang isinagawa ng mga BOD sa darating na general assembly ng ating kooperatiba na gag...
12/03/2026

BOD Monthly Meeting
Isang paghahanda ang isinagawa ng mga BOD sa darating na general assembly ng ating kooperatiba na gaganapin sa ika-28 ng Marso 2026.

Hinihikayat ang lahat ng kasapi na subaybayan ang ating opisyal na page para sa mga susunod na anunsyo at detalye tungkol sa gawaing ito....

12/03/2026

Sa lahat po na nominado sa darating ng halalan ng ating kooperatiba, ang lahat po ay inaanyayahan sa isang pagpupulong sa ika-16 ng Marso, 11:30 ng umaga ng gaganapin sa ating Model Home...
Maraming salamat po...

26/02/2026

Anunsyo:

Inisyal na talaan ng Mga Nominado
February 24, 2026

ng Patnugutan

Maylen De C**k
Rhodora De Leon
Edmund Gutierrez
Catalina Lopez
Doris Villaflores

ng Tagasuri

Walang Nominado

ng Halalan

Flora Dela Cruz
Gerly Leonardo

18/02/2026

Para po sa kaalaman ng lahat ng ating mga kasapi.... Pkibasa pong mabuti para matulungan tyo sa maayos nating halalan ngayong taon na ito....

BOD Monthly MeetingGinanap muli ang buwanang pagppulong  ng BOD ng ating kooperatiba ngayong araw ( Pebrero 12, 2026) sa...
12/02/2026

BOD Monthly Meeting
Ginanap muli ang buwanang pagppulong ng BOD ng ating kooperatiba ngayong araw ( Pebrero 12, 2026) sa ating school clinic sa ganap na ika - 10:34 ng umaga.
Isang masusing pagpplano ang ginawa ng BOD sa mga darating na programa ng ating kooperatiba.

April 8, 2025BOD Monthly Meeting
08/04/2025

April 8, 2025
BOD Monthly Meeting

25th General Assembly March 28,2025
28/03/2025

25th General Assembly
March 28,2025

Address

Prenza I
Marilao
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Opisyal na Prenza NHS Cooperative posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category