16/04/2023
If you are struggling today, please remember:
BREATHE.
So storytime, nung college ako super sakto lang binibigay sa akin na baon plus kailangan ko magtravel ng at least 2 to 3 hours para lang makapasok sa college at same time para makauwi. Taga-Rizal kasi kami nuon tapos sa Manila pa ako nag-aaral so struggle din.
Ginawa ko yan ng 5 taon kaya talagang nabuild up ako sa mahabang lakaran, iba’t ibang diskarte sa jeep at minsan naiitsa sa bus kung grabe yung pagpreno nung driver.
Para magkaroon ng extra money habang nag-aaral ako, tinry ko din magpart-time work sa iba’t ibang trabaho. Naging photographer ako sa isang sikat na photo studio, naging marketing assistant sa isang startup company, naging call center agent at minsan taga-benta ng siopao at bigas.
Sa totoo lang, minsan tinatanong ko sarili ko bakit ko ba ginagawa yun e nakakapagod, tapos maswerte naman ako kasi kaya naman bayaran ng magulang ko yung tuition fee.
Gusto ko lang talaga makaipon para kapag kailangan o may gusto akong bagay, hindi na ako manghihingi sa magulang ko kasi may 3 pa akong kapatid na nag-aaral din.
Sa pagod ko, at iba’t ibang work experience, narealize ko madami rin ako nakuhang skills, nakilalang tao na naging kaibigan ko, at nabago pananaw ko din sa buhay.
Naging matatag ako at may kumpyansa sa sarili dahil madami rin ako kinaharap na problema sa trabaho, sa kliyente pati sa mga boss ko dati.
Unti-unti marerealize mo may mga taong ipapadala sa iyo si Lord para tulungan ka, gumaling ka, at maging mabuting tao ka din.
Kailangan i-allow mo lang mangyari yung bagay at sitwasyon na yun tapos matuto ka palagi sa bawat karanasan.
Ngayon, naglalakad pa rin naman ako pero kahit papano hindi na ganun kahirap kasi may napundar na rin na sasakyan at bahay. Kung may gusto kainin kami ng pamilya ko, nakakakain din naman kami ng sapat.
Pinakaimportante, nadala ko lahat ng learnings ko at naapply ko sa work at buhay ko. Salamat sa lahat ng iyon, masasabi ko nakakatulong din ako sa ibang tao, kaibigan, ka-team ko, kliyente at mga pamilya ko.
I may not understand it before, but now the puzzle pieces were put together and I understood why I have to go through those experiences.
Kaya ikaw, kapit lang.
Di ka nag-iisa. Surrender it to the Lord.
He will fight your battles.
Everything will unfold slowly.
Your story will be so beautiful, people will be inspired by it! Kaya be patient and always pray.
Makakayanin mo lahat ng yan. ❤️