Bingo Milyonaryo

Bingo Milyonaryo Maging MILYONARYO
sa Limang Piso
"Maglaro, Makatulong at Manalo" May dalawang paraan sa paglaro ng PCSO BingoMilyonaryo. ii) Sabihin ang mga larong nais.

i) Pumunta sa malapit na PCSO BingoMilyonaryo retailers. At ibigay ang inyong napiling numerong kumbinasyon. Basahin ang Game Mechanics para sa karagdagang kaalaman sa paglaro ng PCSO BingoMilyonaryo. iii) Ibigay ang cellphone number kung gusto mong makatanggap nang tiket sa inyong cellphone. O humingi ng printed tiket kung walang kang cellphone. i) Mag laro gamit ang yong android phone o tablet.

Mag download ng LottoCell Android App. ii) Basahin kung paano mag laro gamit ang LottoCell App »

Ang PCSO BingoMilyonaryo ay natatanging loterya na may limang laro sa isang draw o pagbola nito. Ito ay ang Bingo3, Bingo4, Bingo5, Bingo6, at Bingo2. May anim na tambyolo na tugma sa mga letrang B, I, N, G, O at M. Sabay-sabay na binobola ang anim na tambyolo sa bawat draw. Sa bawat letrang B, I, N, at G ay bobola ng mga numerong mula 0 hanggang 9 at sa mga letrang O at M ay bobola naman ng mga numerong mula 0 hanggang 38. Kung ang mga numerong lumabas sa mga tambyolong B, I at N ay tugma sa inyong Bingo3 ticket, PANALO KA! Sa bawat panalong Bingo3 ticket ay may premyong 2 libong piso. Sa BINGO3 ay maaaring maglaro ng RAMBOL. Sa RAMBOL ay magkakaroon ng anim na kumbinasyon ang tatlong numerong tugma sa B, I at N. Ang halaga ng ticket sa BINGO3 RAMBOL ay 30 Piso. Kung ang mga numerong lumabas sa mga tambyolong B, I, N at G ay tugma sa inyong Bingo4 ticket, PANALO KA! Sa bawat panalong Bingo4 ticket ay may premyong 20 libong piso. Kung ang mga numerong lumabas sa mga tambyolong B, I, N, G at O ay tugma sa inyong Bingo5 ticket, JACKPOT KA! Ang Bingo5 ay may panimulang jackpot na 150 libong piso. Sa bawat dagdag na ticket sa Bingo5 ay may karampatang dagdag sa jackpot, kaya’t ang jackpot ay patuloy na lumalaki hanggang sa may manalo. Sa pagkakataong may manalo ng jackpot, ang jackpot ay babalik sa panimulang halaga. Kung higit sa isang ticket ang mananalo sa Bingo5, ang jackpot ay hahatiing pantay sa bawa’t nanalong ticket. Kung ang mga numerong lumabas sa mga tambyolong B, I, N, G, O at M ay tugma sa iyong Bingo6 ticket, JACKPOT KA! Ang Bingo6 ay may panimulang jackpot na 4 milyon. Sa bawat dagdag na ticket sa Bingo6 ay may karampatang dagdag sa jackpot, kaya’t ang jackpot ay patuloy na lumalaki hanggang sa may manalo. Kung higit sa isang ticket ang mananalo sa Bingo6, ang jackpot ay hahatiing pantay sa bawa’t nanalong ticket. Ang panalong kumbinasyon sa Bingo2 ay ang dalawang numerong tugma sa mga letrang O at M, sa bawat panalong ticket ay may premyong 4 na libong piso. May dalawang paraan sa paglaro ng BINGO2, ito ay ang PASULONG o PABALIK. Ang PASULONG ay ang huling dalawang numero tugma sa bawat letrang O at M at ang PABALIK ay kabaligtaran ng PASULONG. Halimbawa:

PASULONG: O = 18, M = 38, Ticket = 5 Piso
PABALIK: M = 38, O = 18, Ticket = 0
Panalo ka ng 4,000 Piso dahil ang panalong kumbinasyon para sa O at M ay 18 at 38 (PASULONG). Maaaring hatiin ang halagang Limang Piso para sa ticket ng PASULONG at PABALIK. PASULONG: O = 18, M = 38, Ticket = 3 Piso
PABALIK: M = 38, O = 18, Ticket = 2 Piso
Panalo ka ng 2,400 Piso dahil ang panalong kumbinasyon para sa O at M ay 18 at 38 (PASULONG). Panalo ka rin ng 1,600 Piso dahil ang panalong kumbinasyon para sa M at O ay 38 at 18 (PABALIK).

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bingo Milyonaryo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share