23/06/2026
π£ Advance Happy SPBB po sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia ng Dios sa buong mundo π
Mula dito sa Pasig, Metro Manila - isang puno ng pag-ibig at mapagmahal na yakap sa inyong lahat! Salamat sa Diyos sa nalalapit na 3 araw na SPBB na gaganapin ngayong June 26, 27 & 28, 2026. Nawaβy sama-sama tayong magpasalamat, mag-awitan, at magmahalan bilang isang bayan ng Dios. ππΆβ¨π
Magbunyi tayong lahat sa pananampalataya mga kapatid! Dasal ko na punuin tayo ng Dios ng kagalakan, kapayapaan, at pag-ibig sa bawat dako ng mundo ππ
Pasasalamat ng Buong Bayan
Awit 100:4-5
Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang mga looban na may pagpuri: magpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.
1 Cronica 16:35
At inyong sabihin, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at tipunin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, upang kami ay magpasalamat sa iyong banal na pangalan, at magmaluwalhati sa iyong kapurihan.
Awit 117:1
Purihin ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
Salamat sa Dios mga kapatid. Sama-sama tayo sa SPBB kahit magkakalayo. Isang katawan, isang pananampalataya, isang pasasalamat. π
γ