09/03/2023
Totoo nga pala 1 day malakas ka... tapos ma rerealize mo bigla naka ratay kana sa hospital!
Di ko akalain na mangyayari sa Family namin.
Our dad had a mild stroke.
Halos kakagaling lang niya namalengke nung umaga. Nung hapon, medyo hilo na tapos di na halos makalakad. Siyempre sinugod na namin sya sa hospital. Naging ok naman after.
Pero after a few days, ganon nanaman hilo nanaman daw sya. So nag decide na yung doctor na ipa admit sya for further observation. Dun na namin nalaman na nagka mild stroke na pala sya and affected yung balance nya. Bumaba din sodium and potassium nya. Si daddy maliksi, masigla. Kaya nakaka panibago na nakikita syang parang nag dedeteriorate before your eyes. Grabe!
To cut the long story short. Halos 1 linggo din kami sa hospital and yung bill umabot na ng 100k+++!
Sino pa ba gagastos sa hospital bill nya, syempre kami. Don't get me wrong. We are more than willing to spend every centavo we have para lang sa kanya, sa magulang namin.
So bat ko sinasabi toh? Well, si Daddy OFW for 27years sa KSA. At gusto lang nya is a noble life.
Pa tanin-tanim, nuod ng balita tapos tulog na.
Nung time na well established na kami ng mga kapatid ko. Unfortunately, hindi na sya insurable. In short, wala syang Health Insurance man lang.
Kaya ko sinasabi ito kasi di naman lahat ng tao may kakayahan o means financially to spend kapag may health crisis sa Family.
Pero "What If", he took the time na to be Financially Literate? Kung after nya mag retire bumili agad sya ng Health Plan o habang asa abroad sya kumuha na sila ni Mama ng Health Plan? Di ko maiwasan mapaisip.
Ito rin yung isang factor bakit ako naging interesado sa Financial Literacy is to create awareness sa ganitong pangyayari sa buhay.
Sa mga makakabasa nito. Please give yourself a gift. GET AN INSURANCE POLICY. Life or Health man yan.
May HMO ka nga ngayon sa work mo pero... kelan ka ba tatamaan ng sakit?
Si Daddy 76 years old na at ngayon lang sya na hospital ng ganito. Worth it parin na kumuha ka ng sarili mong policy that covers you when you need to.
Kaya kami ng wife and kids ko kuha kumuha kami ng Global Health Access by AXA. Hindi naman sa pinopromote ko pero ganda lang kasi ng benefits nya. You may check it here
https://www.axa.com.ph/health-protection/global-health-access
Ito talaga yung realization ko sa nangyari samin.. "Health is really your wealth".
Act now, explore your options to get a Health Policy. For me, ito yung priority mung dapat kunin kasi kapag health na yung affected, affected na lahat.
Thank You sa mga bumasa sana kahit konti may naitulong ako sa awareness na ito.
Global Health Access | Health and Protection | AXA Philippines