11/06/2025
Kung hindi mo mauunawaan ang simpleng kaibahan ng asset at liability, cashflow at positive cashflow, income at expenses,
mahirap umasang yayaman ka sa larangan ng investments o negosyo.
Dahil sa bawat desisyon mo—bumili ka man ng bahay, kotse, gadget, o magtayo ng negosyo—pera ang gagalaw, at kung hindi mo alam kung saan ito papunta, baka hindi mo namamalayan, palugi ka na pala.
💡 Asset – bagay na naglalagay ng pera sa bulsa mo.
💸 Liability – bagay na kumukuha ng pera mula sa bulsa mo.
📈 Positive cashflow – mas malaki ang pumapasok kaysa lumalabas.
📉 Expenses – gastusin; kailangan mong kontrolin, hindi basta tinitiis.
Sa madaling salita, kung gusto mong umasenso, kailangan mong maging magaling sa pera—sa pag-intindi at sa pag-manage nito. Hindi sapat ang sipag. Kailangan may financial literacy.