10/09/2026
Isang matagumpay at makabuluhang araw na naman ng pagtulong ang ating naisagawa sapagkat ngayon po ang huling araw ng masayang pamamahagi ng tig-5 kilong bigas para sa ating mga minamahal na kasapi.
Sa kabuuan ay libo-libo ang bilang ng pamilya ang ating napasaya sa pamamagitan ng ating programa. Layunin ng gawaing ito na kahit sa mumunting kaparaanan makatulong at makapagbigay pag-asa sa bawat isa. Lalo at higit sa panahon na dumadaan ang lahat sa pagsubok at pangangailangan, mahalagang maramdaman na hindi tayo nag-iisa, isa sa kaagapay natin ay ang ating Kooperatiba.
Mag-iingat po tayong lahat, patuloy po nating ipanalangin na tuluyan ng bumuti na ang panahon at humupa na ang pagbaha sa iba’t-ibang lugar upang maibsan ang kalamidad at pagsubok na ating kinakaharap.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala at suporta sa Caniogan Credit & Development Cooperative!