10/08/2026
One bad thing happened that made me realize about my forgotten personality.
Alam mo yung feeling na bumabagyo, traffic at late ka na sa trabaho? Yung feeling na pagdating mo sa office kumpleto na yung team niyo at ikaw nalang ang wala? Pero, yun pala yung magiging stepping stone ko para maalala ko yung nawalang parte ng pagkatao ko.
"8:30 na, late na ako sa event ng company, baka nandun na mga kasama ko. " Yan yung naiisip ko habang nakasakay sa jeep kanina papasok ng trabaho. Yung feeling na hindi ka naman mapapagalitan pero may guilt na late ka pa rin sa event tapos plot twist eh halos once a month lang kayo magkita kita sa office at hindi ka rin sanay malate kaya nadadagdagan yung frustrations mo.
Dumagdag pa na bumabagyo na at mabagal lang ang takbo ng mga sasakyan dahil sa basang kalsada, walang masyadong traffic pero 50/50 naman ang chance kung tuyo o basa kang makakarating sa opisina dahil sa bagyo.
Pero yung pagiging late ko pala yung magiging reason para marealize at mahanap ko yung isang bagay na nawala at nakalimutan ko tungkol sa'kin.
It started pagsakay ko sa jeep, it's always the usual, pabilisan umakyat o bumaba ng jeep, paunahan makasakay para di mawalan ng upuan, siksikan, not until makababa na ako. Nakasabay ko yung isang lola sa jeep, may katabi syang lalaki na kasasakay lang that time at malalaman mo agad kung familiar sa place na bababaan o hindi, meanwhile si lola ay opposite. Long ride rin yung naging journey namin nun sa jeep, dahil na rin siguro sa pabugso bugsong ulan at basa o bahang mga kalsada na madadaanan.
Fast forward, malapit na sana ako sa mismong bababaan ko sana sa may crossing, bago umikot yung jeep sa may Greenfield nung narinig ko na nagtanong yung kuya kung pwede na dun bumaba sa may bungad pa, malapit sa paakyat ng tulay papuntang Quiapo, at malayo naman na lakarang papuntang mrt station. Dahil late na nga ako, I decided na maglakad nalang rin kesa makipagbuno sa matraffic pang kalsada. At dun ko nakasabay yung lola. Nung una akala ko hindi sya yung kasabay ko, umaambon rin pagbaba namin at napansin kong marami syang bitbit pero naka hoodie lang sya. Out of nowhere, inextend ko yung kamay ko at pinayungan sya risking myself na mabasa ng ulan at lalong malate dahil sa slow-pace na paglalakad niya. Sinabayan ko sya hanggang makaakyat kami sa ticketing booth. And that's when I realized, nawala na sa normal system ko to be kind enough to help elders, as a lola's girl myself, I missed those times na kasa-kasama ko ang lola ko papunta sa iba't ibang lugar like mag travel.
Buti nalang pala nalate ako, because that one late moment made me regain myself again, yung value na nakalimutan ko noong nagkaprogress na yung career at naiba yung path ko.