01/09/2023
BUHAY FINANCIAL ADVISOR... ๐
Nilalayuan, hindi pinapansin, iniiwasan. Minsan, minamaliit pa ng karamihan.
Ang nasasabi lang namin sa sarili namin?
Kung alam nyo lang sana ang maitutulong ko sa pamilya ninyo, kapag dumating ang di inaasahang pangyayari sa buhay nyo,
Di nyo kami lalayuan.
Bibigyan nyo kami ng pansin.
Kami ang inyong lalapitan.
At ipagmamalaki nyo kami sa karamihan.
Kaibigan, hindi kami lumalapit sa inyo upang kami ay may pagkakitaan.
Lumalapit kami sa inyo upang ang pamilya ninyo ay di maranasan ang matinding kahirapan dahil sa pangyayaring hindi inaasahan.