23/02/2026
Nitong nakaraan, isang Asset Master client ko ang biglang nag-message sa akin, tanong niya: "Bakit bumaba ang pera ko? From 188k, naging 178k na lang?"
Siyempre, bilang masunuring financial advisor, kinalikot ko agad ang records. Pero pagtingin ko, napa-"Wow" na lang ako sa gulat at sabi ko sa kanya Relax lang siya dahil walang nawala!🙂 Sa katunayan, wagi ka pa rin simula Day 1. Alam mo ba na 'yung 100k niya, 181, 271.08 ngayong araw na to? Isang malupit na 80.27% ROI!
'Yung konting kembot ng numbers? Normal lang 'yan! Minsan kasi, naglalaro ang palitan ng dolyar at ang mood ng mga tech giants gaya nina Meta, Apple, Nvidia, at Tesla. Isipin mo na lang, kasama ang pera mo sa pag-angat ng mga bilyonaryo sa mundo. Kaya chill lang, lumalaban ang Global Advantage Funds ni AXA!
PS. Pangalawang account niya itong Asset Master na minsanang bagsakan ang bayad at may AXA My Life Choice pa siya na regular ang bayad for 10 years. Panalo ang future!