Sa pamamagitan ng platform na ito, maaaring ma-access ng mga negosyante ang malawak—at patuloy na lumalawak—na mundo ng mga digital transactions. Ibig sabihin, kahit ang simpleng sari-sari store ay may kakayanan na ngayong mag-process ng mga transaksyon na karaniwang makikita lang natin sa mga malalaking establisimyento o mga franchise na ginagamitan ng malaki-laking puhunan. Nangangahulugan ito n
g dagdag na financial power para sa iyo at sa iyong negosyo. Sa POS!BLE ay maaari kang magnegosyo sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Bills Payment – Ilapit ang pagbabayad ng bills sa iyong komunidad para hindi na sila lalayo pa. E-Money Cash-In/Out – Magpadala ng pera sa mga mahal sa buhay sa malalayong lugar sa pamamagitan ng GCash, Maya, Coins.ph at marami pang paparating! Prepaid Load – Magbenta ng load sa lahat ng networks at maging ang mga digital prepaid services tulad ng Cignal TV at Meralco Kuryente Load. Available na rin ang Powerload at FTI prepaid load. Gaming PINs – Magbenta ng PINs para sa mga sikat na online games tulad ng Mobile Legends, Steam, Garena at marami pang iba! Kung meron kang existing na negosyo, maaari kang mag-level up sa pamamagitan ng mga unique na features ng POS!BLE:
Loyalty and Rewards – Isali ang iyong negosyo sa mga loyalty and rewards programs para sa specific na mga produkto at gawing redemption center ito para sa dagdag na kita at exposure sa komunidad
Store Inventory (Para sa piling mga tindahan at distributor) – Gawing mas madali ang pag-manage ng iyong imbentaryo at pag-monitor ng mga stocks at deliveries