10/06/2026
Dati ganito rin mentality ko: "Ang sasakyan ay gastos lang." Pero habang tumatagal, na-realize ko na having a car may be a liability, but you can also make it an asset.
Imagine nasa business ka tapos araw-araw kang nagco-commute. Hindi lang oras ang nawawala, pati energy mo. Aminin natin, nakakapagod mag-commute—minsan mas nakakapagod pa kaysa sa actual na trabaho mo.
Kaya para sa akin, hindi sayang yung gastos sa kotse kung kapalit naman nito ay convenience, time savings, at mas malaking energy na pwede mong ilaan sa mas importanteng bagay.
Mas magiging productive ka kapag may sasakyan dahil it saves time and energy. Nakatipid ka nga sa pamasahe sa pagco-commute, pero pagod ka naman agad bago pa magsimula o matapos ang araw mo.
At the end of the day, hindi lang pera ang kino-consider mo, kundi pati oras, energy, at productivity mo. Minsan mas mahal ang nawawalang oras at pagod kaysa sa gastos ng sasakyan.
Akala ko ba mayaman—bakit wala pang sasakyan?
Isa sa pinakamalaking misconception ng maraming tao ay ang paniniwalang kapag mayaman ka, dapat may mamahaling sasakyan ka agad.
Pero maraming financially successful people ang hindi bumibili ng bagay dahil kaya nila—binibili nila dahil kailangan nila.
Ang totoong mayaman ay hindi laging nagpapakita ng yaman. Naiintindihan nila na ang sasakyan ay kadalasang bumababa ang value habang tumatagal.
Kaya minsan mas pinipili nilang ilagay ang pera sa negosyo, investments, o assets na kumikita.
Ang goal nila ay hindi magmukhang mayaman. Ang goal nila ay manatiling mayaman.