06/10/2022
Hey... Lima lang......
Paano kung sabihin ko sayo na limang bagay lang ang kailangan mo para umasenso sa buhay?
At para maipaliwanag ko nang mabuti, daanin ko ito sa isang kwento.
Imagine na nag iigib ka ng tubig galing sa poso at pinupuno mo ang iyong balde.
Kita = Ang tubig mula sa poso
Ipon = Ang tubig na nasasalok mo sa balde
Malinaw? Ayos.
Ngayon, isa isahin natin ang kelangan mong paghandaan:
#1. Health care
Ang pagpapagamot ng malubhang sakit ang isa sa pinakamalaking magiging gastos natin sa buong buhay.
Kaya naman pag tayo ay dinapuan nito, madalas tayong pumunta sa “London”, (loan dito, loan doon – “london”) mangutang sa kamag anak o 5-6, magbenta ng mga ari-arian, o magalaw ang naipon ng ilang taon.
Ang ipon para sa kinabukasan, nagagamit sa pagpapagamot.
May kasabihan nga…
If you want the best health care, “the best” din ang price nito.
At dahil anytime pwede tayo dapuan nito, the best time to prepare for your health care is NOW.
Kumbaga sa pag iigib, kahit kailan, may pwedeng sumipa sa balde mo at matapon lahat ng pinaghirapan mo.
Ulit muli sa simula.
Kaya importante ang health care dahil sa halip na balde, may tanke kang nakabolt sa sahig. Hindi ito basta basta matatapon.
Bukod pa dito, imbes na magbabawas tayo ng tubig pambayad, may “emergency” balde tayong pagkukunan ng panggastos.
Parang nagpause lang ang buhay natin.
Para pag galing natin, tuloy ang buhay at hindi nagsisimula sa “zero” (o sa utang).
#2. Protection
Alam naman natin ang buhay ay nakaka fragile.
Hindi natin masabi kung kailan tayo tatawagin ni Lord.
Hindi ko sinasadya maging morbid, pero ito’y isang ang realidad na kailangan natin pag usapan as adults.
Ito ang panahon na wala nang tubig na lalabas sa poso.
Paano ang pamilya natin?
Kaya dito pumapasok ang life insurance.
Dito naman, ang protection ay parang tangke na puno ng tubig. Hindi mo ito pag-aari ngunit pwede itong ireserba sayo.
Ang kapalit ng reservation sa laman ng tangke ay isang tabo ng tubig mula sa balde mo. O tinatawag na insurance premium.
Sa oras na maubos ang tubig sa poso, ang lahat ng laman ng tangke ay ibibigay sa pamilya mo.
#3. Debt Management
Ang pag-utang ay ang pagkuha ng tubig sa balde ng iba.
Kapag nag-iigib ka, parang may hose na nakadugtong sa balde mo.
Hinihingup ng inutangan mo ang kita mo para mabayaran ang utang.
Kung laging interest lang binabayaran natin, walang katapusang panghigop ang mangyayari.
Kaya sikapin bayaran ng mabilis (at buo) ang utang para makawala sa hose na ito.
Otherwise, lagi ka na lang “nakaposas” sa kabila.
#4. Emergency Fund
Hindi din maiiwasan na minsan, makakaranas tayo ng “minor” emergencies sa buhay.
Tulad ng mga repairs sa bahay, magpagawa ng sasakyan,
Mas mainam na meron tayong naitabing ipon para lang dito, imbes na kunin pa ang budget sa pang araw araw na gastos.
Para kang may extrang balde na puno ng tubig sa bahay mo na babawasan mo lang pag hindi ka maka igib sa poso.
Maaring sira ang daan papunta doon, o kaya naman pansamantalang walang maigib na tubig dahil mahina ang water pressure.
Sa mga panahon na yan, magpapasalamat ka na may extra kang balde.
#5. Investment
Ito ang exciting part.
Kapag naayos mo na ang first four steps, maari ka nang maginvest.
Bukod sa sweldo o kita ng negosyo, may additional income stream ka na. Kumabaga dalawa (o higit pa) ang poso mo.
Ayos diba?
Imagine mo na lang gaano mo kabilis mapupuno ang balde mo. Baka hilehilera na ang balde mo niyan.
===
Yan lang ang mga kailangan mong paghandaan. Pag naiayos mo na yan, ang pera ay hindi ulit maging problema.
Ito ang ginagawa ng mga mayayaman.
Lamang sila sa kaalaman.
Yang ang advantage nila.
Hindi naman bago ang mga konsepto na ito, ang problema lang, hindi napapaliwanag ng mabuti.
Sana nakatulong itong email para maliwanagan ka.
Totoo may pinapanganak na mayaman, pero nauubos din ang yaman kung hindi ito hahawakan mabuti.
At lahat nang ito ay pinag aaralan.
Pero naiintindihan ko na ang lahat ng bago, nakakatakot.
Kaya para mabawasan ang kaba, iniimbitahan kita sa maging miyembro ng IMG. Dito kasi, hindi sapat sa amin ang kaalaman lang, isinasabuhay namin ito.
Kung sawa ka na sa pag Google at gusto mo ng pagbabago, click ka dito at alamin kung paano maging miyembro ng IMG
https://337968ph.imgcorp.com/