04/06/2026
๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐, ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฏ๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ผ๐ผ๐ฐ๐ฎ๐ป
CALOOCAN CITYโ Hindi na lamang isang munting pangarap kundi isang ganap na katotohanan na ang pagkakaroon ng sariling tahanan para sa mga miyembro-benepisyaryo ng Mapalad Ka Homeownersโ Association, Inc. (HOAI).
Ito ay matapos ang opisyal na pag-turnover ngayong araw, Hunyo 4, ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) sa 36 na units sa tatlong palapag na pabahay sa Barangay 175, Camarin, Caloocan City.
Ang Mapalad KA HOAI ay kabilang sa Vertical Enhanced Community Mortgage Program ng SHFC na nasa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at SHFC President and CEO Federico Laxa ang paggawad ng ceremonial key na sumisimbolo sa opisyal na paglipat ng mga pamilya sa kanilang mga bagong tahanan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni President Laxa ang tagumpay ng proyektong ito para sa asosasyon. "Mapalad na po kayo," ani Laxa. "Matagal nang mapalad ang HOA ninyo, pero ngayon sa wakas ay naisakatuparan na ang pangarap ninyong magkaroon ng sariling bahay at lupa."
Lubos naman ang pasasalamat ni Mapalad Ka HOAI President Princess Benilan para sa katuparan ng kanilang pangarap na magkaroon ng ligtas at permanenteng masisilungan. Ayon sa kanya, โTalagang masayang masaya po ang miyembro ng Mapalad Ka HOAI. Talagang mapalad na mapalad po kami kasi po dinala po ninyo โyung simpleng pangarap namin sa Social Housing.โ
Bilang bahagi ng pagsasaayos ng komunidad, nilagdaan din ng mga opisyales ng asosasyon ang Kasulatan ng Restriksyon (KasuRes) na naglalaman ng mga alituntunin at patakarang dapat sundin sa kanilang paninirahan.
Nakiisa rin sa mahalagang okasyon sina DHSUD Senior Undersecretary Eduardo Robles, Jr., pati na ang mga opisyal ng SHFC na sina Executive Vice President Atty. Junefe Payot, Mega Manila Vice President Engr. Elsa Juliana Calimlim, NCR North Manager Jeannie Furiscal, at Substitution Manager Allan Romero.