06/06/2026
"Scam ba ang VUL?"
Isa ito sa pinaka-common na tanong na nababasa ko online.
At honestly, naiintindihan ko kung bakit.
May mga taong kumuha ng VUL na hindi naipaliwanag nang maayos.
May mga umasa na parang guaranteed investment ito.
May mga nakakita ng fund value after a few years at nagtaka kung bakit hindi agad lumaki.
Pero tanong ko rin:
Scam ba ang cellphone kapag hindi mo nagamit nang tama?
Scam ba ang gym membership kapag hindi ka pumapasok?
Hindi lahat ng disappointment ay scam.
Minsan, may kulang sa explanation.
Minsan, mali ang expectation.
Minsan, hindi lang tugma ang product sa actual goal ng client.
Ang VUL (Variable Universal Life) ay kombinasyon ng insurance protection at investment component.
Hindi ito magic.
Hindi ito get-rich-quick scheme.
At hindi rin ito para sa lahat.
Kaya bago kumuha ng kahit anong financial product, mahalagang maintindihan:
✅ Para saan ito
✅ Ano ang benefits nito
✅ Ano ang limitations nito
✅ Ano ang bagay sa goal mo
Ang totoong problema hindi kung VUL ba o hindi.
Ang problema ay kapag bumibili tayo ng financial products na hindi natin naiintindihan.
Kaya bago maniwala sa "Scam yan!" o "Best yan!", magtanong muna.
Mas okay ang informed decision kaysa emotional decision.
Hindi kita pipilitin kumuha ng VUL.
Pero tutulungan kitang maintindihan kung ito ba talaga ang bagay sa goal, budget, at situation mo.
📩 Message me if you want a simple, no-pressure explanation.