12/09/2026
Currently, we are talking with a senior aged client na posibleng maoperahan due to a potential malignant tumor sa kanyang o***y. Takot na takot sya sa posibleng mangyari sa kanya.
Pero kahit papaano, naibsan ang kaba na dala ng pagpapagamot na magco-cost ng napakamahal dahil sa pagkakaverify namin na ang mga kondisyon nya ay posibleng covered at makakakuha sya ng sapat ng pondo para sa kanyang pagpapagamot at pagpapagaling. After ng usapan namin, tila ba mas naging malakas ang kanyang loob sa kinakaharap na pagsubok.
Napakarami na ng insurance advisor sa Pilipinas, pero napakarami pa rin sa mga kakilala namin at nasa paligid namin mismo na mga kapamilya, kaibigan at iba pa ang hindi insured.
Napakarami nang impormasyon ang nakakalat at napakarami na ang patunay na ang insurance ay nakakatulong at nakakapagpabago ng buhay.
Pero marami pa rin ang wala nito, hindi naniniwala, or worst, ay actively na nagpapalaganap ng maling pananaw patungkol dito. Yun ang nakakalungkot, lalo sa mga mapapapaniwala na pag naman sa kanila dumapo ang pagsubok na tulad ng mga kliyente naming nakaranas nang magka claim sa insurance, hindi naman sila matutulungan ng mga taong nag discourage sa kanila na magpa insure.