03/03/2026
Dati, napakaraming staff sa check-in baggage counter sa airport.
Ngayon? May machine na. Self check-in. Self bag drop. Mas kaunting manpower.
**UNCERTAIN LABOR MARKET.**
Ito ang realidad.
Habang umuunlad ang teknolohiya, maraming trabaho ang napapalitan.
Walang forever sa pagiging employee.
Napapalitan ng robot.
Napapalitan ng computer.
Napapalitan ng sistema.
Masakit man tanggapin pero…
Lahat tayo pwedeng palitan.
No one is indispensable.
Tanungin mo ang sarili mo:
Paano kung mangyari ito sa’yo?
Paano kung hindi ka handa?
Paano kung wala kang ipon?
Paano ang pamilya mo?
Hindi ito pananakot.
Ito ay paalala.
Ang pagiging employee ay hindi lifetime guarantee.
Kaya habang may trabaho pa, habang may income pa —maghanda.
Mag-ipon.
Mag-invest.
Mag-aral ng financial literacy.
Magkaroon ng ibang source of income.
Para kung dumating man ang hindi inaasahan…
Hindi ka matataranta.
Hindi ka mawawalan ng direksyon.
Kundi masasabi mo — “Handa ako.”
**TAYO AY HANDA.**
💙