01/11/2019
PROCRASTINATION = DELAYING
Ito ang number 1 reason bakit hanggang sa ngayon marami pa rin sa mga pinoy ang walang ipon.
Pag nasa 20's na!
Di muna ako magsi-save, enjoy ko muna buhay ko habang bata pa, every payday gusto may bagong damit, kainan with office mates, at syempre ang panahong masarap mag travel with your barkada kasi (YOLO) You Only Live Once. Nakalimutan mo ang (YAGO) You Also Grow Old.
Pag nasa 30's na!
Sabi mo, wala akong masi-save, nadagdagan na responsibilidad ko, may pamilya na ako, malaki nagastos ko sa kasal, buntis asawa ko, mag papabinyag pa at mag celebrate pa ng 1st year birthday ang anak ko at kailangan kong magbayad ng gastusin sa bahay, dumoble na responsibilidad mo kasi may asawa at anak kana.
Pag nasa 40's na!
Di ko kaya mag ipon, papasok na sa kolehiyo ang mga anak ko, lumalaki na tuition fee at alowance nila.
Pag nasa 50's na!
Malapit ka ng mag retire at sakitin ka na and then nag decide ka na! Sabi mo, ready ka ng mag save, kaya lang sa edad mo may trabaho ka pa kaya? Pano ka makakapag ipon kung wala ka ng kinikita? Trip to Jerusalem na ang mangyayari sayo pag di ka nakapag ipon, pag papasa-pasahan ka ng mga anak mo.
Para mas maintindihan kung bakit mahalaga ang mag ipon habang bata pa!
Halimbawa:
Si Mr. Save Early at Mr. Save Later.
Si Mr. Save Early at si Mr. Save Later ay magkaklase at magka edad, sabay silang nakapagtrabaho sa edad na 22, pareho silang nakahanap ng investment facility with an average of 12% per year, pareho silang nag-invest ng P20,000 a year for 6 years for a total of P120,000.
Ang difference, si Mr. Save early nagsimula nag invest sa edad na 22 ngunit si Mr. Save Later sabi next time nalang masyado pa akong bata para dyan. Dahil sa sakit na procrastination or delaying sa pag invest, si Mr. Save Later ay nag simula mag invest sa edad na 28, 6 years delay.
After age 62, naisipan na nilang mag retiro, Si Mr. Save Early ay nakapag ipon ng Mahigit P9,597,930 at si Mr. Save Later ay nakapag ipon ng mahigit P4,862,610. Dahil 6 years delay, mahigit P4,735,320 ang nawala or P789,222 every year delay ni Mr. Save Later.
Time is money, sabi nga, the best time to invest is 20 years ago, dapat pala matagal na tayong nagsimulang mag ipon. The next best time to invest is "NOW"!
The next time you come up with a new reasons, why it is imposible that you cannot save money,
Think of your family
Think of yourself
Think of your Dreams
"AND IT'S TIME TO TAKE ACTION"
Pinoy Investors Guild is here to help you. 😇