28/01/2026
10 COMMON MYTHS ABOUT LIFE INSURANCE (NA DAPAT NANG ITIGIL)
1. “Para lang ‘yan sa mayayaman.”
Hindi totoo. Maraming life insurance plans ang kayang-kaya kahit ng ordinaryong empleyado o self-employed.
2. “Bata pa ako, hindi ko pa kailangan.”
Mas bata ka, mas mura ang premium. Life insurance is best bought early, not late.
3. “Hindi ko pa kailangan kasi wala pa akong anak.”
May umaasa man o wala, may iiwan ka pa ring gastos—utang, medical bills, o funeral expenses.
4. “Mahal ang life insurance.”
Mas mahal ang walang life insurance kapag may biglaang nangyari sa pamilya.
5. “Kapag namatay lang, saka lang may silbi.”
Maraming plans may living benefits—critical illness, accident, o savings.
6. “May insurance na ako sa trabaho, sapat na ‘yon.”
Usually maliit lang ang coverage at nawawala kapag nag-resign ka.
7. “Hindi naman ako magkakasakit.”
Walang may gustong magkasakit—pero walang may kasiguraduhan.
8. “Sayang ang bayad kung di ko nagamit.”
Hindi sayang kung ang kapalit ay peace of mind at proteksyon ng pamilya.
9. “Madaming kondisyon, baka di rin ma-claim.”
Kung tama ang disclosure at legit ang kumpanya, may claims talaga.
10. “Bukas na lang, hindi pa naman urgent.”
Ang pinaka-delikadong myth: akala natin may oras pa.
Reality Check
Life insurance isn’t about death.
It’s about protecting life, dignity, at pamilya—kahit anong mangyari.