12/07/2022
Long but worth to read :)
"Attorney, nalilito po ako dahil may nagsabi sa akin na magfile ng legal separation para makapagpakasal ako muli, meron naman nagsabi sa akin na dapat annulment of marriage. Tapos meron naman daw declaration of nullity of marriage dahil wala daw kami license. Kasal po kasi ako sa Japanese at nadivorce na po ako sa Japan. Meron naman daw nirerequire sa akin na judicial recognition of foreign divorce. Ano po ba dapat gawin ko na legal action?
Ang "Annulment of marriage" (Art. 45-47 of Family Code) ay ang proseso sa korte kung saan pinapatunayan na ang kasal ay isang "voidable marriage". Ang voidable marriage ay isang kasal na valid sa una ngunit ito ay may depekto pagdating sa consent ng isa sa mga kasal dahil sa walang parental consent, pananakot o pagbabanta o pikot, fraud o pagtatago ng conviction ng crime, homosexuality/lesbianism o drug addiction o sexually transmitted disease at kawalan ng pisikal na kakayahan na makipagtalik. Ito ay tinatawag na voidable marriage dahil may option ang isa sa apektadong asawa na magsampa ng kaso sa korte within 5 years para ipawalang bisa ang kasal.
Ang "Declaration of Nullity of Marriage" (Art. 35-38, 53 of Family Code) ay ang proseso sa korte kung saan pinapatunayan na ang kasal ay isang "void marriage". Ang void marriage ay isang kasal na invalid sa una pa lang at walang bisa dahil ito ay may kawalan ng isa sa mga formal o essentail requirement ng isang valid na kasal katulad ng legal capacity (underage), lack of marriage license, lack of authority of solemnizing officer o yong nagkasal at iba pa tulad ng lack of marriage ceremony. Bagamat ito ay walang bisa sa simula, ang kasal na ito ay kailangan dumaan sa korte para mapawalang bisa kung magpapakasal muli sila. Kung ang purpose naman nila ay hindi para magpakasal muli at ang purpose ay sa ibang bagay, ang kawalan ng bisa ng kasal ay pwedeng gamitin ayon sa Article 40 ng Family Code.
"Art. 40. The absolute nullity of a previous marriage may be invoked for purposes of remarriage on the basis solely of a final judgment declaring such previous marriage void."
Ayon sa Article 63 ng Family Code: Art. 63. The decree of legal separation shall have the following effects: (1) The spouses shall be entitled to live separately from each other, but the MARRIAGE BONDS SHALL NOT BE SEVERED;
Iba ang epekto ng proseso ng declaration of nullity of marriage at annulment of marriage dahil ang proseso na ito ay nagpapawalang bisa sa kasal at nagbibigay ng karapatan sa mag-asawa na magpakasal muli sa ibang tao.
Ang mga grounds ng legal separation ay nasa Article 55 ng family Code kung saan madali itong patunayan sa korte at ito ay mga pangyayari o depekto na nangyari sa mag-asawa pagkatapos ng kasal katulad ng physical abuse, abandonment, sexual infidelity at iba pa. Hindi ito kagaya ng ground ng annulment of marriage kung saan ito ay binabase sa mga depekto o pangyayari before or during ng kasal ng mag-asawa kayulad ng kawalan ng tamang edad sa pagpapakasal, walang marriage license, etc.
Ang epekto ng desisyon ng apat na proseso sa itaas sa mga status ng mga anak nila ay sila ay magiging illegitimate children except kung ang ground na ginamit ay Article 36 (psychological incapacity) at Article 53 (re-appearance ng absent spouse). Sa desisyon ng legal separation, ang mga anak nila ay mananatiling legitimate child at hindi ito mababago.