23/05/2026
CMC extends its warmest congratulations to CASURECO I for once again achieving ๐๐ซ๐ข๐ฉ๐ฅ๐ ๐ (๐๐๐) ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง for the ๐๐๐ญ๐ก ๐ญ๐ข๐ฆ๐. ๐
This remarkable milestone reflects consistent excellence, strong performance, and unwavering commitment to delivering quality service to its member-consumer-owners.
๐๐ณ๐ฐ๐ฎ ๐๐๐, ๐ธ๐ฆ ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฅ ๐ต๐ฐ ๐ฃ๐ฆ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ช๐ด ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ฆ๐ฅ ๐ด๐ถ๐ค๐ค๐ฆ๐ด๐ด.
CASURECO 1, Labing-Isang Taon nang Triple A Category Electric Cooperative
Sa inilabas ng National Electrification Administration (NEA) na resulta ng Calendar Year 2025 Electric Cooperative (EC) Overall Performance Assessment and Size Classification noong May 20, 2026 sa pamamagitan ng NEA Memorandum No. 2026-26, sa ika labing-isang magkakasunod na taon ay muling nakakuha ng โAAAโ (Triple A) Category EC ang CASURECO 1.
Mula taong 2015 nang sunod-sunod na makuha ng CASURECO 1 ang nasabing EC Category. Ang Triple A (โAAAโ) Award ang pinakamataas na ibinibigay ng NEA sa isang electric cooperative na gaya ng CASURECO 1 na napanatili ang mga parameters na nakapaloob sa ibinigay ng NEA na kailangang maabot ng isang electric cooperative.
Samantala, nananatili pa rin ang kooperatiba na isang Mega Large EC na siyang pinakamalaking size classification (Mega Large, Extra Large, Large, Medium, Small) ng isang electric cooperative.
Sa 121 na electric cooperatives sa buong bansa, kabilang ang CASURECO 1 sa 91 ECs na nakakuha ng Category "AAA".
Layon ng EC Overall Performance Assessment na sukatin ang katayuang pinansyal, institusyonal at teknikal ng mga electric cooperative sa buong bansa upang matukoy ang credit worthiness, level of development, protection, empowerment at satisfaction ng mga Member Consumer Owners (MCOs), at upang itaguyod ang pananagutan ng mga electric cooperative sa kanilang mga obligasyon.
Nagpapasalamat ang CASURECO 1 sa lahat ng mga MCOs ng kooperatiba sa pakikipagtulungan upang magampanan ang misyon nito na makapagbigay ng mapagkumpitensya, maaasahan at mahusay na serbisyo ng kuryente na magpapaangat sa antas ng pamumuhay ng mga MCOs.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CASURECO1 Official page.
Maraming Salamat po!