02/06/2026
𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐍𝐈𝐍𝐈𝐘𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐕𝐈𝐍𝐙𝐎𝐍𝐒, 𝐆𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐒𝐄𝐆𝐔𝐑𝐎
Nakilahok sa isinagawang Coconut Farmers Meeting noong Abril 26, 2026 ang ilang magniniyog mula sa bayan ng Vinzons sa Camarines Norte kung saan sila’y binigyang-kaalaman sa mga programa ng PCIC.
Pinangunahan ni Insurance Underwriter Arlan Laguador ang talakayan, sa tulong ni Engr. Nikki Yanto ng Philippine Coconut Authority (PCA) at ilang opisyal ng barangay.
Binigyang-diin ni Laguador ang kahalagahan ng pagpapaseguro upang maging protektado laban sa kalamidad at iba pang banta sa agrikultura.
Libre ang seguro para sa mga magniniyog na rehistrado sa NCFRS o National Coconut Farmers Registry System.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
Philippine Crop Insurance Corporation Regional Office 5 (PCIC RO 5)
📧 [email protected]
📞 (052) 742-6613