21/09/2026
Kung 30's o 40 years old ka na ngayon at wala ka pa ring ipon, matakot ka na kaya basahin mo ito ng buo.
Hindi para takutin kita.
Para gisingin kita.
Kasi pag 20s ka at wala kang ipon, okay pa. Bata ka pa, pwede pa magkamali.
Pero pag 30s at 40s ka na at wala ka pa ring ipon, hindi na yan simpleng pagkakamali.
Emergency na yan.
Kasi sa edad na yan, hindi na ikaw lang binubuhay mo.
May anak ka na, may pamilya ka na, may magulang ka na tumatanda na.
At hindi na kasing lakas ng dati katawan mo para maghabol ng trabaho.
3 brutal na katotohanan pag 30s o 40s ka na at wala ka pa ring ipon. At 3 bagay na dapat mong gawin para ito ay maiwasan.
1: Hindi na dadating ang malaking sahod na hinihintay mo.
Akala mo pag nag 30s ka na tataas sahod mo at kusa ka makakaipon.
Hindi totoo.
Karamihan ng 30s at 40s, ganun pa rin sahod, pero mas malaki na gastos.
Dati ikaw lang, ngayon may anak, may tuition, may gatas, may upa.
Kung nung single ka wala kang naipon, mas lalong wala kang maiipon ngayon pag hindi mo babaguhin sistema mo.
Realtalk: Hindi tataas ipon mo pag tumaas sahod mo. Tataas ipon mo pag binago mo habit mo.
2: Yung katawan mo hindi na kasing lakas ng 20s mo, pero yung gastos mo mas malakas pa.
Nung 20s ka, kaya mo magpuyat, mag-extra work, magbuhat, mag-byahe ng 3 oras.
Pag 30s at 40s ka na, madali ka na mapagod, madali ka na magkasakit.
At isang sakit lang, ubos ka.
Isang emergency lang na P5,000, uutang ka na.
Isang ospital lang, P20,000 agad.
Kung wala kang P5,000 na hindi mo gagalawin ngayon, paano pag 50s ka na at hindi ka na makatrabaho?
Sino bubuhay sayo? Anak mo na may pamilya na din?
Hindi ka dapat matakot sa pagtanda. Dapat ka matakot kung pag tanda mo, wala kang ipon at wala kang choice kundi mamalimos sa anak mo.
3: Yung anak mo ginagaya habit mo sa pera, hindi payo mo.
Sabi mo sa anak mo "anak mag-ipon ka."
Pero nakikita niya sayo ikaw wala Ka din Ng IPon.
Anong matututunan niya? Mag-ipon o gumastos?
Kung 30s at 40s ka na at wala ka pa ring ipon, hindi lang future mo sinisira mo, pati future ng anak mo tinuturuan mo maging gipit din.
Masakit pero totoo.
So ano gagawin mo ngayon? Hindi bukas, ngayon.
3 bagay na gawin mo para hindi ka matapos na zero pag 50s ka na.
1. Mag-ipon ka ng P50 araw-araw bago ka gumastos. Hindi pag may natira, bago gumastos,
P50 x 30 days = P1,500
P1,500 x 12 months = P18,000
In 3 years may P54,000 ka na pang-emergency na dati wala ka kahit P500.
Hindi amount ang mahalaga. Disiplina. Gawin mo ngayon. Ihiwalay mo agad pagka-sahod mo.
2. Magdagdag ka ng isang skill na kikita ng P200 per day kahit nasa bahay ka lang.
Hindi na sapat sahod mo lang sa 30s at 40s.
Kailangan mo ng second income.
Hindi mo kailangan ng malaking puhunan.
Halimbawa:
Marunong ka magluto? Magbenta ka ng 10 tubs na ulam sa kapitbahay mo. P50 tubo per tub, P500 per day ka.
Marunong ka mag-cellphone? Magkabit ka ng tempered glass. P100 tubo per kabit, 3 kabit lang P300 na.
Magaling ka magsalita? Magbenta ka ng bigas na 5 kilos repack sa subdivision niyo.
Isang skill lang. 30 minutes ka mag-aral sa YouTube gabi-gabi. After 30 days, kaya mo na kumita.
3. Putulin mo yung isang bisyo na butas ng timba mo.
Yung timba mo kahit gaano mo lagyan ng tubig, kung may butas, hindi mapupuno.
Ano butas mo?
Yosi? P150 per day x 30 = P4,500 per month nausok lang.
Scatter o sugal? P100 per day x 30 = P3,000 natataya lang.
Alak at barkada? P200 per week x 4 = P800.
Isang butas lang takpan mo, may P3,000 to P4,500 ka na agad na pang-ipon.
Hindi mo kailangan putulin lahat. Isa lang. Ngayon.
Hindi pa huli.
Pero dapat matakot ka na para gumalaw ka na.
'Ang taong marunong maghanda sa kaniyang kabataan ay may makakain sa kaniyang katandaan.'
β Kawikaan 6:6-8