05/02/2025
PROTIPS - February 5, 2025
Making Decisions You Won't Regret
By Maloi Malibiran-Salumbides
There are good decisions and there are decisions that we regret for life. Paano ka gumawa ng desisyon? Pinag-aaralan mo ba kung ano ang magiging implikasyon ing iyong decision bago mo sabihing, "This is it. This is my final decision." Tignan natin ang nangyari kay Esau at isa-isahin ang mga bagay na pwede nating matutunan tungkol sa decision-making.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspiradong buhay at trabaho.
Esau, the twin brother of Jacob made a decision that he truly regretted. Ito ang mababasa natin sa Genesis 25:29-34, " Minsan, si Jacob ay nagluluto ng sinabawang pulang patani; siya namang pagdating ni Esau mula sa pangangaso. Sinabi niya, “Gutom na gutom na ako, bigyan mo naman ako niyang mapulang niluluto mo.” At dahil dito'y tinawag siyang Edom. Sumagot si Jacob, “Ibigay mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay.” “Payag na ako,” sabi ni Esau, “aanhin ko pa ang pagiging panganay kung mamamatay naman ako sa gutom?“Kung gayon,” sabi ni Jacob, “sumumpa ka muna.” Sumumpa nga si Esau, at ibinigay kay Jacob ang karapatan ng pagiging panganay. Ibinigay naman ni Jacob kay Esau ang niluto niyang gulay at binigyan pa ito ng tinapay. Matapos kumai't uminom, umalis na agad si Esau. Iyon lamang ang halaga sa kanya ng kanyang karapatan bilang panganay."
Ipinagpalit ni Esau ang kanyang birthright bilang panganay na anak sa isang mangkok ng sinabawang gulay. Was this a good decision? Obviously not. Kahit nga ang aking anak na nasa grade school ay nagcomment na, "How could he give up his birthright for a bowl of lentil soup?" What can we learn from Esau when it comes to making decisions?
1) Decide when you're state is right. Iwasang mong gumawa ng major decision kung ikaw ay gutom, galit, malungkot, pagod o inaantok. A good decision is a well-thought-out decision. Hindi ka makapag-iisip ng tuwid, gaya ni Esau, kung ang physical at emotional state mo ay hindi stable.
2) Avoid hurried decisions. Sellers will often pressure you into making a decision so that they can close a sale. Ilan sa mga ginagamit nilang tactic sa atin ay, "Bumili ka na ngayon dahil last stock na po namin ito", o kaya naman, "Kapag ngayon kayo bumili, may discount kayong makukuha." Don't give in to such pressure tactics dahil maraming minadaling decision ang hindi napag-isipan at sa bandang huli ay pinagsisihan.
3) Think Long Term. Bago ka magpasya, bago ka magcommit sa isang bagay, pag-isipan mo muna ang magiging long-term impact nito sa iyong buhay. You want to buy a condo unit? May pang-down payment ka nga, pero saan mo kukunin ang pambayad buwan-buwan? May invitation sa iyo para tumulong sa isang project. Excited ka sa simula pero mapangangatawanan mo ba ito? Bago magpasya, pag-aralan mo muna ang long-term impact ng desisyong ito.
Esau gave up something very valuable for temporary relief from hunger. Ang desisyong ito ay kanyang pinagsisihan at maraming opportunities ang nawala sa kanya dahil sa maling pasya. Decide when your state is right. Avoid hurried decisions. And think long term. May God give you wisdom as you make decisions today.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!