03/06/2023
Panalo kapa nga sa totoo lang.
Lagi mo tatandaan, kapag kukuha ka ng insurance - yung coverage ang tignan mo.
Sa panahon ngayon may mga insurance na may kasama na ang investment pero tandaan mo na BONUS part lang ito sa insurance mo.
Kaya madami nagsasabing lugi sila sa mga insurance nila kasi tinitignan palagi ng may short term mindset, yun tipong less than 5 years eh sinasabi hindi kumikita yung plan nila.
Kadalasan 5-10 years mo makikita na mageksakto yung nahulog mo sa investment mo pero hindi ibig sabihin na hindi mo nakitang nag eksakto e lugi kana, tandaan mo INSURED kapa din!
Yung investment na kasama sa mga ganyang plan ay para sa long term.
Ano ibig sabihin ng long term nito?
Kadalasan 15 years or more bago mo gamitin, tulad ng pang college ng anak mo o kaya gagamitin mo pang retirement mo.
Kaya SOBRANG IMPORTANTE na malaman mo kung saan mo gagamitin yung insurance plan na kinuha mo para hindi ka araw-araw problemado sa investment mo.
Huwag mong istressin ang sarili mo.
Kung gusto mo ng lumago agad ang pera mo huwag ka sa insurance dahil hindi ito pang mabilisan.
Pero tandaan mo bago ka maginvest dapat may insurance ka muna.