09/08/2026
🌧️ PAALALA SA PANAHON NG BAGYO 🚗
Sa patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha, hinihikayat namin ang lahat na unahin ang inyong kaligtasan at siguraduhing ligtas ang inyong sasakyan.
I-secure ang inyong sasakyan at kung maaari, ilipat ito sa ligtas at mataas na lugar upang maiwasan ang pinsala dulot ng pagbaha.
Mag-ingat sa mga lugar na may posibilidad ng pagbagsak ng puno, sanga, poste, o iba pang bagay na maaaring makasira sa sasakyan.
Kung naabot ng baha ang inyong sasakyan, huwag na itong piliting paandarin. Maaaring magkaroon ng electrical damage o short circuit kapag pinilit itong i-start.
Kung ligtas gawin, i-disconnect ang battery terminal upang makatulong na maiwasan ang karagdagang pinsala sa electrical components. Mas mainam na ipagawa ito sa isang taong may sapat na kaalaman o sa isang qualified technician.
I-report agad sa amin ang anumang insidente o pinsala upang mabigyan namin kayo ng tamang gabay sa mga susunod na hakbang at proseso ng inyong insurance claim.
📞 Safety first. Huwag ipagsapalaran ang inyong buhay at kaligtasan para lamang mailigtas ang sasakyan.
Manatiling alerto, ligtas, at handa. Nandito kami upang gabayan kayo sa oras ng pangangailangan. 🌧️🚘
Ingat po tayong lahat!
PLEASE CALL : 0975-696-6599