04/10/2026
KUNG SA PANAHON NA MALAKAS KA, WALA KANG NAIPON O NAITABI…
Paano kapag dumating ang panahon na mahina ka na—
at hindi mo na kayang kumita tulad ng dati?
Kanino ka aasa?
Sa anak?
Sa kapatid?
Sa kamag-anak?
Sa kaibigan?
Hindi masamang humingi ng tulong.
Pero mas maganda kung habang kaya mo pa, may inihahanda ka na para sa panahong hindi ka na kasing lakas.
Dahil ang tunay na financial preparation ay hindi lang para sa ngayon na may income ka.
Ito ay para sa bukas na baka hindi na ganoon kalakas ang income mo.
Habang malakas ka pa, magtabi ka.
Habang kumikita ka pa, maghanda ka.
Habang kaya mo pa, protektahan mo ang kinabukasan mo.
— Coach Noel Fajardo
The Breadwinner’s Financial Coach