20/08/2026
basaha😂✌️
𝗧𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗝𝘂𝗮𝗻 𝗡𝗼. 𝟰𝟮:
𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼, 𝗕𝗜𝗥! 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗲𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗺𝗮𝗴-𝗳𝗶𝗹𝗲 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗼 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗲𝘀?🥺🌦️
𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻:
Kailangan mo pa ring mag-file dahil ang pag-file ng tax return ay patunay na ikaw ay sumusunod sa batas, kahit zero o walang business operation sa buwang ito. Hangga't aktibo ang iyong registration sa Bureau of Internal Revenue (BIR), obligado kang mag-ulat ng iyong business status kada takdang panahon.
Naiintindihan po namin na nakakapagtaka kung bakit kailangan pang mag-file ng tax return kung wala namang babayarang buwis.
Narito ang mga pangunahing dahilan kung bakit kailangan mo pa ring mag-file ng tax return kahit walang benta, kasama ang legal na batayan nito:
1. 𝘼𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙛𝙞𝙡𝙚 𝙖𝙮 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙨
Ayon po sa ating Section 51 ng National Internal Revenue Code (Tax Code), ang lahat ng rehistradong negosyo o self-employed ay obligadong mag-file ng tax return "regardless of the amount of gross income" (may kita man o wala).
Ang iyong Certificate of Registration (BIR Form 2303 o COR) ay magsisilbing guide sa iyong tax obligations. Ipinapahiwatig nito na hangga't aktibo ang iyong rehistro, may pananagutan kang mag-ulat sa takdang panahon.
2. 𝙋𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙤𝙡𝙚 𝙨𝙖 𝙂𝙤𝙗𝙮𝙚𝙧𝙣𝙤
Ang pag-file ng "Zero" ay ang iyong opisyal na boses para sabihin sa BIR na: "Gusto kong maging tapat, aktibo ang negosyo ko pero wala lang akong benta sa panahong ito."
Kung hindi po kayo mag-fa-file, hindi po malalaman ng BIR ang tunay ninyong sitwasyon.
3. 𝙋𝙖𝙜-𝙞𝙬𝙖𝙨 𝙨𝙖 "𝙊𝙥𝙚𝙣 𝘾𝙖𝙨𝙚𝙨" 𝙖𝙩 𝙈𝙪𝙡𝙩𝙖
Ayon naman sa Section 255 ng Tax Code, ang hindi pag-file ng form sa oras ay isang hiwalay na paglabag.
Ibig sabihin: Kahit ₱0 ang buwis na dapat mong bayaran, ang hindi pagpasa ng form ay may compromise penalty na hindi bababa sa ₱1,000 kada form.
Ang bawat nakaligtaang form ay nagiging "Open Case" sa system ng BIR. Magiging malaking abala at sakit ito sa ulo sa hinaharap, lalo na kung kukuha ka ng Tax Clearance o kung magpapasya ka ng isara na ang negosyo.
❓Paano ngayon ito ipa-file?
Hindi mo na kailangang pumunta sa opisina ng BIR o sa bangko.
Maaari mo itong gawin online, gamit ang opisyal na online software ng pamahalaan na eBIRForms.
I-type lamang ang "0" sa bahagi ng sales, i-submit online, at itabi ang email confirmation bilang inyong katibayan.😉