05/06/2022
Testimony ng isang taong insured ang buhay..
"Ako ay isang taong family oriented na sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko eh nangibang bansa ako. Kumakayod ako ng husto habang iniisip ang pamilya sa Pinas. Samantalang ang asawa ko ay nagtatrabaho din sa isang American Company at the same time inaalagaan ang mga anak namin. Masasabi kong struggle is real talaga pag pamilya na ang pinagusapan.
Okey naman ang buhay dahil unti-unting natutupad ang pangarap namin until...
Sa di inaasahang pangyayari, dumating ang isang malaking dagok sa pamilya ko. Sa kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon, nag positive ang aking asawa sa COVID 19 at to make the story short, di ito naagapan at kinuha siya ng ating Panginoon. Wala akong magawa kundi ang pag monitor lang sa kanya mula nung nagkasakit siya hanggang sa naicremate. Umuwi ako dahil gusto ko ako ang maghahatid sa kanya sa huling hantungan pero nangangambang, anu na kaya ang mangyayari sa amin ng mga anak ko paguwi ng Pilipinas? Paano kaya kami ulit magsimula? Maraming mga taong nagmamahal at tumulong sa amin emotionally at financially at taos pusong nagpapasalamat sa kanila pero di ko pa rin lubos maisip kung paano ko palalakihin ang mga anak ko dahil baka di na ako makakita ulit ng trabaho sa Pilipinas.
Pero lingid sa kaalaman ko, sa tulong ng insurance galing sa company ng asawa ko, my nagamit akong pansimula sa buhay kasama ng mga anak ko at di ko na kailangan umalis sa ibang bansa para magtrabaho ulit at gabayan na lang ang mga bata at mag tayo ng sariling negosyo.
Dahil sa nainspired ako sa ginawa at naiwan o naipamana sa akin ng asawa ko, kumuha na din ako ng insurance para sa akin mismo na pwede kong ipamana sa mga anak dahil hindi natin alam ang buhay, hindi natin alam kung kelan tayo kukunin ng Panginoon. Kumuha din ako ng life insurance para sa mga anak ko para maging secure sila at para na rin sa mga sarili nila pag sila naman ang magkaroon ng sariling pamilya.
Sa ngayon, pilit akong bumabangon at lumalaban sa buhay kapiling ang mga anak ko.
At tumutulong din sa mga kamag-anak at kakilala so they learn how important life insurance and investment is.
Future financial stability protects you and your family.
Your Sunlife Financial Advisor,
Ricky Ulanday de Guzman