06/08/2025
BAWAT BARYA, MAY HALAGA!
Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko, mga negosyo, at mga establisimyento na pwedeng pambayad o panukli ang mga barya.
Gamitin at tanggapin ang 1-, 5-, 10-, at 25-sentimo; at 1-, 5-, 10-, at 20-piso na kabilang sa BSP Coin Series at New Generation Currency Coin Series.
Sa paggamit ng barya, nasisiguro na eksakto ang bayad o sukli, at ito ay nakatutulong sa maayos na transaksyong pampinansyal.
Basahin ang BSP advisory:
English: https://bit.ly/BSPcoins
Filipino: https://bit.ly/BSPcoinsFilipino