Pinoy OFW Online Financial Wellness

Pinoy OFW Online Financial Wellness Ang maibahagi sa lahat ng ulirang PInoy OFW ang tamang pag-iipon nang sa gayon, darating ang panahon na kayo naman ang prentido sa buhay :-)

Aral tungkol sa Pera sa bawat EdadMinsan nakapagtataka kung bakit sa kabila ng importansya ng pera at pag-budget, hindi ...
14/03/2017

Aral tungkol sa Pera sa bawat Edad

Minsan nakapagtataka kung bakit sa kabila ng importansya ng pera at pag-budget, hindi ito naituturo ng maayos sa paralana.

Sabagay bilang magulang, maari nating turuan ang ating mga anak ng mga importanteng bagay tungkol sa pag-gastos habang sila ay lumalaki. Narito ang ilan sa mga nabasa ko:

Sa edad 3-5: Turuan ang ating mga anak na maging MAPASENSYA. Sa tuwing sila ay may nagugustuhan, turuan silang mag-intay sa tamang panahon. Tutal, may kasabihan na mas malayo ang nararating ng taong marunong mag-intay.

Activity: Alukin mo ng chocolate ang iyong anak. Sabihin mong magiging dalawa iyong kung kaya niyang mag-intay pa ng 5 minuto. I-encourage mo siyang mag-hintay ng konti pa para maging 2 ang chocolate.

Lesson Learned: Maging mapasensya. Mag-intay para sa mas malaking kapalit, kaysa laging instant ang kasiyahan.

Sources:
Www.Parents.com
Www.Forbes.com

Kamusta ang Lunes mo? Ganito ka na lang ba palagi? Pwede namang hindi. Call us!
13/03/2017

Kamusta ang Lunes mo? Ganito ka na lang ba palagi? Pwede namang hindi. Call us!

Mga kwento, saloobin at mga mabuting gawain para sa Kaseguruhan ng Kinabukasan natin at nga ating mga mahal sa buhay.Mab...
06/03/2017

Mga kwento, saloobin at mga mabuting gawain para sa Kaseguruhan ng Kinabukasan natin at nga ating mga mahal sa buhay.

Mabuhay Pinoy!

It's just another MONEY MONDAY! :-)3 IMPORTANTENG KAALAMAN UPANG MAGING MATAGUMPAY SA PAGHAWAK NG PERALahat tayo halos m...
06/03/2017

It's just another MONEY MONDAY! :-)

3 IMPORTANTENG KAALAMAN UPANG MAGING MATAGUMPAY SA PAGHAWAK NG PERA

Lahat tayo halos marunong maging malusog. Kumain ng tama. Mag-ehersisyo ng mabuti. Maging positibo sa lahat ng bagay. Pero iilan lamang ang may alam sa 3 kaalaman upang maging matagumpay sa aspetong pinansyal, at pagkatapos mo itong basahin, mare-realize mo, obvious pala siya! smile emoticon:-)

Simple lang ito. Ikaw man ay negosyante, nasa NGO, gobyerno or pribadong empleyado, 3 lamang ang kailangan upang ikaw ay maging tagumpay sa paghawak ng pera.

1: Kumita ng mas malaki kaysa sa iyong gastos 2: Iinvest ang savings
3: Alamin kung nasaan ka ngayon at kung saan papunta ang pera mo

Rule #1:Kumita ng mas malaki kaysa sa iyong gastos.
Ito naman ay obvious. Pero minsan talagang ganito tayo. Pero ang totoong problema ay hindi pwedeng mas malaki ang gastos o mas maliit ang kita. Darating ang panahon, mangungutang ka na, iiwasan ka na ng kaibigang pinagkaka-utangan mo o malulubog ka sa mga pautang, o kung ano pa man, mawawalan ka ng balanse.

Bakit ito nangyayari? Tingnan ang Rule #3.

Rule #2: Iinvest ang savings
Blang isang indibidwal, napaka-hirap nitong gawin. Mas madali ito para sa isang negosyo dahil alam nilang kailangan mag-invest sa gamit, sa tao, etc. pag nagsisimula pa lamang. Pero minsan ang pagkakamali ay inuuna ang Rule #2 kesa Rule #1. Ang akala nila, pag nag-invest ng malaki, malaki din agad ang kita. Tandaan, habang ikaw ay di pa batikan sa negosyo, focus on minimum investment at madaliin mo ang pagpapalago ng negosyo!

Rule #3: Alamin kung nasaan ka ngayon at kung saan papunta ang pera mo
Isang rason daw ng paghihiwalay ng mag-asawa ay hindi ang 3rd party ngunit ang tungkol sa pinansyal. Kagaya ng isang negosyante, kaya niyang solusyonan ang mga problema ngunit nawawala din sha kapag may hindi siya alam sa negosyo. Kapag nagugulat sha sa mga bagay na hindi nya napaghandaan.

Kung alam mo kung magkano ang iyong IN and OUT - o ang income at expenses - makakatulong ito sa iyong personal na finances. Hindi lamang alam mo kung nasaan ka na ngayon, gabay mo din ito para sa mabuting desisyon. Ang mabuting desisyon ay nagreresulta ng maayos na buhay. Less stress, mas masaya!

Naniniwala ka na na obvious naman pala yung tatlong (3) kaalaman na yan? Bakit konti lang ang gumagawa? Kaya kung ibig mo maging matagumpay sa aspetong pinansyal, sundim ang 3 ito smile emoticon:-)

*Excerpts Transalated from Matthew Garrett, Forbes.com

Sana'y nakatulong ito sa inyo. Please feel free to send your questions or comments kung mayroon kayong gustong pag-kwentuhan :-)

27/02/2017

MONEY MONDAYS!
Let's welcome the week with thoughts on LIFE, SAVINGS and INVESTMENTS.

"Someone is sitting in the shade today because someone remembered to plant a tree a long time ago" ~ Warren Buffet

Thank you for your patronage.
We are with you,
in taking care of your future,
Now :-)

~ Pinoy OFW Online Financial Wellness

Tulungan nating maibahagi ang wastong pag-iipon sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa, at sa kanilang mga mahal sa ...
11/01/2017

Tulungan nating maibahagi ang wastong pag-iipon sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa, at sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas, upang mapakinabangan nila nang tama and kanilang pinaghirapan
(Credits to video owner)

Free Consultation! Free Call! Free PM! Pinoy OFW Online Financial Wellness
🇵🇭 ❤️️💛💙 😊

11/01/2017

Mabuhay! Kami ay excited na tumulong sa anumang inyong gustong malaman tungkol sa pag-iipon at pagpapalago ng inyong naipon sa pamamagitan ng investments, saving and insurance. Salubungin natin ang 2017 ng may maliwanag na target sa pinansyal na aspeto ng ating buhay nang sa gayon ay protektado ang ating mga pinaghirapan, ang ating sarili at mga mahal sa buhay! Pinoy OFW Online Financial Wellness

Address

Davao City
8000

Opening Hours

Monday 7am - 10pm
Tuesday 7am - 10pm
Wednesday 7am - 10pm
Thursday 7am - 10pm
Friday 7am - 10pm
Saturday 7am - 10pm
Sunday 7am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinoy OFW Online Financial Wellness posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share