26/08/2023
May apat na mga uri katalinuhan dapat ay madevelop ng mga bata.
Inteligence Quotient
Emotional Quotient
Social Quotient
Adversity Quotient
Yung IQ or Intelligence Quotient ay yung level ng ability ng tao na pumasa sa mga exams.
Yung galing ng pagmemorize ng libro o yung pagsolve ng math problems. Yung mataas ang IQ ay parating honor o valedictorian.
Yung Emotional Quotient namam ay nagrerepresent ng paguugali ng tao.
Yung madaling magalit o parating may kaaway ay mababa ang EQ pero yung mahaba ang pasensya, masayahin, mapagkumbaba, marespeto, in other words magandang ugali, ay mataas ang EQ.
Yung Social Quotient naman or SQ ay ito yung level ng pagiging ma PR.
Yung kaibigan mong kaibigan ang boong skwelahan ay yun mataas ang SQ nun. Yung hindi nahihiyang magsalita sa harap ng mga tao o sa facebook o youtube ay mataas ang SQ nun.
Yung super mahiyain na halos di nagsasalita at di marunong makipagkilala o makipagkaibigan ay mababa ang SQ nun.
So yung matalino na mataas ang IQ pero mababa ang EQ dahil mainitin ang ulo o mahiyain na mababa ang SQ ay talo sa pag-angat sa buhay ng mga mataas ang EQ at SQ kahit average lang ang IQ.
Kadalasan nagiging empleyado pa ang mataas na IQ ng taong mas mababang IQ pero mataas ang EQ at SQ dahil mabuti ang ugali at maraming kaibigan at kakilala.
In other words hindi lang katalinuhan ang importante kundi ugali at pakikisalamuha.
Obserbahan po natin ang ating mga anak kung ang mga aspeto bang ito ay nabibyang pansin at training.
Ang pangapat ay AQ or Adversity Quotient. Ito ay yung level ng kakayahan ng taong tumayo laban sa problema.
Yung bumibigay o yung nagsusuicide ay mababa ang AQ nun. Ang buhay din natin ay di naiiwasang masaktan o magkamali o bumagsak o malugi o madaya,
subalit yung may mataas na AQ dahil nasubok na sya ng panahon at may paniniwala na may Diyos ay siyang nakakalampas at umasenso.
Hayaan natin mga parents na makaramdam ng pagkatalo ang mga anak natin gaya sa sports or bumagsak minsan sa quiz para maramdaman nila ang pait
subalit i-encourage din natin na take it lightly or don’t sweat the small stuff at ipa sa Diyos at makikita rin nilang nakakabawi.
Lahat ng apat na po yan ay importante. Meron ding gifted na sa isa o dalawa nito at iyong iba ay kailangang pang tutukan.
Ok lang po yun. Everything can be learned by constant practice and exposure.
Like and Share para sa ibang parents to read. Kung teenager na anak niyo pabasa nalang din dahil nakaka-intindi na po sila.
God bless po sa inyong lahat naway makatulong ito sa inyo.
Dr. Richard Mata
Pedia
Ctto