14/12/2023
Laging dumadaan sa FYP ko to so I searched sa Youtube and watched.
In summary, magjowa silang estudyante but nakipagbreak si guy dahil sa difference ng status nila ni girl na mayaman pero si guy saks lang.
1. Mahirap talaga makipagrelasyon kapag lalaki ka at walang pera. Not saying it is right to feel this way but it's a common struggle for guys.
2. Hindi aware si girl sa feelings ng guy until i-communicate ni guy upon breaking up. Pero hindi naman kasalanan ni girl na magkaiba status nila.
3. Sinabi nila na mahal pa nila ang isa't isa. Kung titignan ang screengrab kita naman sa nangungusap na mata ng babae ang pagmamahal nya sa lalaki.
4. Pinili ni guy si ex-girlfriend kahit may nanalong searchee. Eh hindi naman ganon ang mechanics ng show. Pero si girl, sinabi nya na hindi muna. Talaga naman hindi dahil mahal mo, pipiliin mo. Komplikado pero yan ang realidad.
5. Ang hirap maging busy sa work kung ano-ano pinapatulan ko para maiba lang.
6. Minsan akala naten burden tayo sa isang pagmamahalan pero ang totoo hindi tayo aware na there are people capable to love no matter what.
7. Sana may magregalo saken ng sony 55 inches na TV. Ung may google.
8. Oo nagbebenta din ako ng insurance pero alam ko dulo lang binasa mo, so please lang basahin mo ung gitna hindi ito clickbait.