30/07/2026
Ipinahayag ni Secretary Francis N. Tolentino ang kanyang kalungkutan sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay ng pagpapatupad ng wage increase sa National Capital Region (NCR), ngunit iginiit niyang buong paggalang niyang tinatanggap ang proseso ng hudikatura.
Aniya, hahayaan niyang ang hukuman ang magpaliwanag sa batayan ng desisyon habang patuloy na ginagampanan ng DOLE ang mandato nitong pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa alinsunod sa umiiral na batas.