31/03/2026
Clients FAQs about VUL policy.
1. After 10 years, kailangan ko pa ba maghulog? Or tapos na talaga?
- DEPENDE SA PRODUCT MO. Even limited-pay (e.g.,10 years). Kahit tapos mo na bayaran ang policy, VUL charges continuously para buhay parin ang Life Insurance. Pwedeng tumigil na as long as may enough fund value to pay the charges. It's better na maglagay ng top up sa premium. Or kakailanganin mag hulog sakaling maubos ang fund to pay the insurance charges.
2. Kung hindi na ako maghulog after 10 years, ano mangyayari sa policy ko?
- Magccontinue ang policy as long as may enough na fund value to cover charges. Kapag naubos, magla-lapse.
3. Tuloy pa rin ba ang charges kahit hindi na ako nagbabayad?
-Yes
4. Saan kinukuha yung charges pag wala na akong hulog?
-Sa fund value
5. Habang tumatanda ako, lumalaki ba yung insurance cost ko?
-Yes. Tumataas ang insurance costs habang tumatanda dahil mas tumataas ang risk. Kaya kahit fixed ang hulog sa VUL, hindi fixed ang charges.
6. Gaano kalaki yung increase ng charges habang tumatagal?
- Tumataas ito depende sa age, coverage amount, at policy structure. Hindi siya fixed at iba-iba per policy.
7. May point ba na mas malaki na yung charges kaysa sa hulog ko?
- Total hulog vs charges? Not always. Depende sa riders na nilalagay.
8. Pag nangyari yun, ano mangyayari sa fund value ko?
-Kukunin ang kulang sa fund value. Kapag tuloy-tuloy na kulang, pwedeng maubos ang fund.
9. Pwede bang maubos fund ko kahit tapos na ako magbayad?
- Yes, especially if mababa ang market performance.
10. Kapag naubos yung fund ko, active pa rin ba yung insurance ko?
-Hindi na. Magla-lapse ang policy. Check mo lagi status ng policy mo or ask mo insurance agent mo.
11. Pwede bang mag-lapse yung policy kahit matagal na akong nagbayad?
-Yes. Kahit matagal ka nang nagbayad, magla-lapse pa rin kung hindi na kaya ng fund value ang charges.
12. Kailangan ko ba mag-top up in the future para hindi maubos fund ko?
- Possible, depending sa performance ng fund at charges. If nauubos fund mo due to partial withdrawal, possible ka na mag topup to retain the life coverage
13. Ilang years bago maging stable yung policy ko?
-Hindi guaranteed or stable ang VUL. Some policies can sustain long-term, pero depende ito sa fund performance, charges, at withdrawals. At as long as may fund value ka to sustain the charges.
14. Ano mangyayari kung hindi ko na siya bantayan for years?
- Posibleng maubos ang fund value nang hindi mo napapansin, at mag-lapse ang policy. Regular monitoring is the key talaga.
15. Guaranteed ba na lalaki fund ko after 10 years?
- Not guaranteed. Depende sa market performance.
16. Pwede bang mas mababa fund ko kaysa total na hinulog ko kahit matagal na?
- Yes, possible lalo na sa early years or kung down ang market. Nahahati sa dalawa ang hulog mo. Life insurance (with or without riders) and Investment.
17. Kung gusto ko na itigil, magkano lang talaga makukuha ko? May penalty ba?
-Depende sa product at timing. Sa Sun Life, kung magkano ang fund value mo, yun ang makukuha mo.
18. Ano mangyayari sa insurance ko pag nag-withdraw ako ng fund?
- Active ang policy as long as may sapat na fund value pa na natira. Basta huwag uubusin ang laman.
19. Sa long term, ano mas malaki kinakain, insurance cost or fees?
-Sa long term, ang usually mas lumalaki ay Insurance costs dahil based to sa age ng tao, lalo na habang tumatanda.
Lenie Torio
Your Licensed Financial advisor