07/10/2021
BUKAS NA!
Legit ba ang kompanyang nangangalap ng investment mo? Baka naman scam na yan!
Alamin kung paano malalaman kung lehitimo ba o investment scam na ang isang kompanya sa aming webinar on “How to Spot and Unmask Investment Scams” bukas, October 8, 1:00PM via Facebook Live.
Bukas ang webinar na ito para sa lahat. Magregister para makatanggap ng e-certificate: https://forms.gle/Pnfw9UN1Y7D6ykTp9
Bahagi ang webinar na ito sa pagdiriwang ng World Investor Week, isang pandaigdigang kampanya ng International Organization of Securities Commissions (IOSCO) upang palakasin ang laban kontra investment scams at sa pagsusulong ng matalinong pamumuhunan.
Ang webinar ay hatid ng SEC kasama ang DepEd Philippines, Commission on Higher Education(CHED), OWWA Overseas Workers Welfare Administration, National Youth Commission, Clark Development Corporation, Integrated Bar of the Philippines, PICPA-Philippine Institute of Certified Public Accountants, Association of CPAs in Public Practice, FINEX - Financial Executives Institute of the Philippines, The Philippine Stock Exchange, Inc., at Philippine Investment Funds Association - PIFA.
Tumutok dito sa aming official page at website (www.sec.gov.ph) para sa iba pang programang nakahanda ngayong World Investor Week.