28/10/2021
Isang bilyong piso umano , natangay mula sa libu-libong investors sa Visayas at Mindanao dahil sa REPA Investment .
“Na-engganyo ako sa REPA. Nakita ko po kasi sa Facebook na ang laki ng nakukuha nilang interest. ‘Yung P2,000 nagiging P4,000. 50% po ang balik ng pera.
Sa REPA ko nilagay ‘yung income ko. ‘Yung pambayad sa kuryente, doon ko nilagay.
‘Yung pang-tuition ko sana ngayong taon, nasugal ko na rin.
Kaso ‘yung perang pinasok ko sa REPA, nawala nang parang bula!”
-Jonathan
“‘Yung REPA, nagsimula po ako doon kasi may kaibigan akong nag-offer sa akin ng slots for sale.
Ang explanation sa akin, para siyang paluwagan.
More than 50 times nang nakapag-release ng pera kaya confident ako. Kasi parang totoo eh.
True enough, ‘yung P80,000 ko naging P100,000!
Inisip ko kung paano pa mapapalaki. Sayang kasi. ‘Yung interest kasi sa REPA, nasa 40%.
Kaya nag-loan ako sa bangko.
Nu’ng una, bumabalik pa ‘yung puhunan ko.Pero nagtagal, naging matumal na. Walang nabalik sa akin!
Napahamak ko pa ‘yung mga kakilala kong hinikayat kong sumali. At ngayon, baon kami sa utang.”
-"Gina"
Huwag natin sila katakotan , iwasan o tuksuhin.
Sa halip, hagilapin mo , kaibiganin at turuan.
Paano nga ba makakaiwas sa ganitong uri ng panloloko ?
Kaway-kaway sa mga may TIME mag-aral !
Aral muna, bago mag invest .BECOME FINANCIALLY EDUCATED.
ctto: