03/05/2024
Play-to-Earn sa Axie Classic? Paano ba? ๐ฐ
Gusto mo bang malaman paano mag-earn sa Axie Classic ngayon? Basahin mo ang guide nato:
1. Maglaro ng Premium Cursed Coliseum
Ang Cursed Coliseum arena ay isang unique na game mode. Sa mode na โto, isa sa mga axie ng player ay random an pinipili at sinusumpa ang dalawang body parts nito bago magsimula ang laro. Ang cursed na parts ay dapat palitan ng random cards. Sa Premium version lamang pwede maka-earn ng SLP rewards.
Potential Rewards: 2560 SLP per session or 20K SLP per day
Paano?: Maglaro ng Premium Cursed Coliseum, manalo ng up to 7 games habang iwasan and 2 talo
Cost: 100 SLP entry fee per session
Limit: 8 sessions per day
2. Manalo gamit ang collectible axies sa Cursed Coliseum
Meron ka bang collectible axies? Gamitin mo yan sa Cursed Coliseum para sa bonus AXS rewards!
Potential Rewards: Up to 2 AXS per day
Paano?: Dapat kang manalo gamit ang collectible axie (except Summer) sa Cursed Coliseum
Cost: 100 SLP entry fee
Limit: 1st 200 player wins (total 2 Xmas parts, Origin, Mystic/Agamo);
1st 400 player wins (total 3 Japanese parts)
https://support.axieinfinity.com/hc/article_attachments/22589456027931
3. Kompletuhin ang Axie Classic task sa Bounty Board
Madali lang to. Manalo lang ng isang game Classic at kunin ang points sa Bounty Board. Gawin ito araw-araw.
Prize Pool: 10K AXS per week
Potential Rewards: .5 AXS per week
Paano?: Maglaro at manalo ng isang game sa Axie Classic, i-click ang Verify sa Bounty Board dashboard, gawin kada araw para sa mas maraming points
Cost: Free
4. Sumali sa Bounty Hunter Flash Cup
Nakompleto mo ba ang Classic task mo sa Bounty Board? Kung nagawa mo lahat ng araw at walang palya, asahan mo ang invite email para sumali sa isang exciting na tournament!
Prize Pool: 25 AXS per week
Potential Rewards: 6 AXS
Paano?: Kompletuhin ang 7-day Axe Classic tasks sa Bounty Board, hintayin ang invite email, sumali sa tournament at abutin ang top 10
Cost: Free
5. Sumali sa isang guild at mag-contribute
Mag-ambag ng points para sa โyong guild para makakuha ng rewards sa end ng season. Competitive ka ba? Tumutok sa Guild Leaderboard. Gusto mo bang chill lang? Targetin ang Guild Milestones.
Guild Leaderboard Prize Pool: 10000 AXS
Paano?: Dapat maabot ng guild mo ang top 20 in the current season
Note: Bukod sa Guild Leaderboard prizes, pwede ring mag-qualify ang guild mo sa Guild Wars na may 5000 AXS prize pool. Magtulungan kayo na maabot ang top 10 sa Guild Leaderboard kada sean para makakuha ng Placement Points.
Guild Milestones Prize Pool: 3000 AXS
Potential Rewards: 260 AXS per guild
Paano?: Mag-likom ng guild points at abutin ang milestones kasama ang guild
6. Maglaro sa Grand Tournaments
Ang Grand Tournament ay isang series ng mga kumpetisyon na ginaganap sa loob ng regular na season sa Classic. Bukod sa pagkamit ng gold at Guild Points sa bawat panalo, maaari ka ring manalo ng AXS.
Potential Reward: 1 AXS
Paano?: Abutin ang top 100 sa Round 5
7. Sumali at maglaro in Season Championships
Kung nakaabot ka hanggang dito, malaking saludo sa iyo idol! Ang Season Championship ay ang pinakahuling tournament pagkatapos ng bawat season. Dito, ang pinakamahusay na mga manlalaro ay nakikipagkumpitensya para sa isang tumataginting na 2000 AXS prize pool at ang titulo na Season Champion!
Prize Pool: 2000 AXS
Paano?: Abutin ang top 8 sa Grand Tournament Knockout Phase o top 8 sa Seasonal Arena Leaderboard para makasali
Note: Ang Season Champions ay otomatik na makakasali sa Axie Classic World Cup tournament!
8. Sumali sa mga Private Tournaments
Mag-antay sa mga pribadong tournament na hino-host ng mga community members tulad ng ginagawa ngayon ni Elijah. Upang malaman ang mga on-going tournaments, tingnan mo sa Tournament page in-game. Maaari mong i-filter ang mga tournament batay sa mga reward (Gold, SLP, AXS).
Ayun! Kung nakatulong sayo ang guide na ito, i-share mo para makita ng lahat ng Classic enjoyoors. Kita-kits sa arena!