31/10/2020
Sino Si JUANLIFE?
Ang pangalan ng aming insurance, JUANLIFE, ay kumakatawan sa bawat Pilipino, na ang buhay ay aming pinapahalagahan. Ang tunog ng JUANLIFE kapag binigkas ay para ring “one life”, na kumakatawan sa aming mensahe na nag-iisa lang ang buhay natin, kaya kailangan ingatan at magsiguro.
Kilala tayong mga Pilipinong bumabangon, anumang hamon ang harapin. Ngunit alam nating makakatayo lamang tayo muli, kapag meron tayong kasanggang mapagkakatiwalaan.
Ngayon, may kasama na kayo para mas madaling makaangat muli sa buhay. Ang JUANLIFE Personal Accident Insurance ay isang insurance solution na ang layunin ay mamahagi ng abot-kayang tulong sa milyung-milyong Pilipino. Sakop ng mga benepisyo namin ang tulong pangpinansiyal dulot ng di-inaasang pagkamatay (accidental death), kapansanang panghabang-buhay (permanent disability o dismemberment), at bayaring medikal (medical reimbursement).
Mas mapapagaan na namin ang iyong pag-aalala, dahil ang JUANLIFE ay para sa mga Pilipinong maaaring maaksidente dulot ng sakuna, dahil sa kanilang trabaho o sa kanilang lugar na tinitirhan. Higit sa lahat, panatag ka na may seguridad ang buong pamilya dahil ang JuanLife ay para sa 7 to 60 years old.
Want to be a JuanLife Dealer or Distributor? ASK ME HOW!!!