14/02/2022
Husband: Hon, may sasabihin sana ako sayo pero promise mo wag kang magagalit?
Wife: Depende sa kung anong sasabihin mo.
Husband: Wag na nga baka magalit ka lang sakin.
Wife: Pag hindi mo sinabi talagang magagalit ako sa sayo!
Husband: E kasi hon, may naka usap akong Financial Advisor and I realized kung gaano kahalaga para sa pamilya natin ang life insurance.
Wife: So? Ano naman ngayon?
Husband: Ayun, kumuha ako ng insurance plan.
Wife: What? Bakit mo ginawa yun? Ang liit liit na nga ng sahod mo kada buwan nag dagdag kapa ng gastusin.
Husband: Hindi naman siya gastusin hon, pasok din siya sa budget, and kailangan naman natin to.
Wife: I don't care kung pasok sa budget. Hindi naman yan ang priority natin. May ibang bagay tayo na dapat paglaanan ng pera.
Husband: Pero hon, kung hindi to priority natin ngayon kailan ba dapat? Kapag may nangyari sakin bukas, sa isang linggo, sa susunod na buwan, or taon paano na kayo ng mga bata? Siguradong mahihirapan ka ma itaguyod sila mag isa.
Wife: Alam mo, hindi mo ako naiintindihan e. Sige nga, paano kung wala naman mangyari sayo? Edi sayang lang ang peramg ibabayad mo sa kanila.
Husband: Wag ka mag alala hon, may investment component yung insurance plan na kinuha ko para kung sakaling walang mangyari sakin magagamit yung perang binayad ko. Para lang tayong nag ipon ng pera tapos pinahawak natin sa Insurance company.
Wife: AH BASTA! tigilan mo na yan at hindi pa naman natin kailangan nyan.
Husband: Pero hon...
Wife: TANTANAN mo na ako sa bagay na yan at nanggigigil na talaga ako sa'yo.
"Na tapos ang pag uusap ng mag asawa at pumasok na si Husband sa loob ng kwarto na malungkot. Pinag iisipan na itigil ang insurance plan na kinuha niya tulad ng nais ng asawa."
Makalipas ang isang taon, naaksidente si Husband sa pagmamaneho ng motor na kanyang ginagamit sa pag pasok sa kanyang trabaho.
Sobrang nagulat at nalungkot ang kanyang pamilya dahil sa pangyayari. Hindi nila ina asahan na ganun ang mangyayari.
Habang nasa burol…
Wife: Hoooooonnnnn…bakit mo kami iniwan? Napaka bata pa ng mga anak mo. Paano na kami ngayon? Paano ko sila itataguyod ng mag isa? Paano na yung magagandang plano natin para sa kanila?
Patuloy sa pag iyak si Wife habang tinantanong ang kanyang mister na pumanaw dahil sa aksidente.
Makalipas ang ilang araw matapos ang libing ng kanyang asawa, sinimulan ni wife na salansanin ang mga gamit nito.
Habang inaayos ang damitan ng kanyang asawa, napansin nito ang isang brown envelope na naka ipit sa ilalalim ng mga naka tuping damit.
Agad niya itong kinuha at binuksan. Nakita niya ang insurance policy na una nilang pinag usapan ng asawa niya isang taon bago pa ito ma aksidente.
Niyakap niya ang policy contract at biglang lumuha ang kanyang mga mata.
Wife: Hon, ngayon na iintindihan ko na ang mga sinabi mo sa akin dati. Hindi ko dapat binalewala iyon lalo't ang kapakanan ng pamilya natin ang iniisip mo. Sobra akong nag sisisi dahil pinilit kitang wag ituloy ang insurance plan na kinuha mo.
Biglang may kumatok sa kanilang bahay. Isang misteryosong tao na hinahanap ang ilaw ng tahanan.
Misteryosong Tao: "tok tok tok" tao po… tao po…
Anak: Ano po iyon?
Misteryosong tao: Nandiyan ba ang nanay mo?
Anak: Nandito po ang nanay. Maari po bang malaman kung sino kayo?
Misteryosong tao: Mabuti kung ganon, kaibigan ako ng tatay mo and nais ko sanang maka usap ang nanay mo dahil may maganda akong ibabalita sa kanya.
Anak: Ganun po ba? Sige po, pasok po kayo at tatawagin ko ang inay.
Pina pasok ng bata ang misteryosong tao sa loob ng bahay at tinawag ang ina.
Anak: Inay, may nag hahanap po sayo.
Ina: Sino daw anak?
Anak: Hindi po niya na banggit ang pangalan niya pero ang sabi kaibigan daw po siya ni tatay at may magandang balita daw po siya sayo.
Agad na lumabas ng kwarto ang nanay at kina usap ang misteryosong tao.
Misteryosong tao: Hello misis kamusta po?
Ako po pala si Bob from XYZ insurance company.
Misis: XYZ insurance company? Na banggit nga sakin ng Husband ko ang tungkol sa inyo noon. Pero anong ginagawa mo dito? Sa pag kaka alam ko pinatigil ko ang asawa ko sa pag babayd ng premium sa inyo sa pag aakalang hindi namin kailangan ang insurance.
Bob (Financial Advisor): Tama po kayo misis, na banggit nga po sakin ni sir noon na tutol po kayo sa ginawa niyang pag bili ng insurance plan. Pero alam niyo po, tinuloy parin po niya ang pag babayad ng premium. Labag man sa kalooban niya na suwayin ang kagustuhan niyo, ginawa niya dahil yun po yung sa tingin niyang tama.
Misis: Talaga po?! Ginawa yun ng asawa ko?
Bob (Financial Advisor): Opo misis. Yun po ang dahilan kaya nandito ako ngayon. Nais ko pong ibigay sa inyo ang cheke na nag kaka halaga ng 1 million as death benefit ni sir ngayon na pumanaw na siya and additional 1 million dahil pumanaw siya dahil sa aksidente.
Misis: TALAGA PO? Maraming maraming salamat po sir Bob. Napaka laking tulong pp nito para sa amin ng mga anak ko. Maraming maraming salamat din sayo asawa ko kung na saan ka man ngayon at hindi mo kami pinabayaan.
Moral lesson --- Ang life insurance ay kailangan ng sino man lalo na at may mga taong naka depende sa income mo.
Isa dpat ito sa mga priority mo at wag na wag mong isipin na isa lamang itong dagdag sa gastusin.
Please like and share to spread awareness.
You can also visit and like my page to get more valuable insight about Life Insurance and income protection.
It's "Mark Penuliar - FWD's Financial Wealth Planner"