15/06/2025
🩺🐷 BAKIT KINAKAPON ANG LALAKING BIIK?
Hindi lang basta tradisyon, may rason sa likod ng pagkakapon!
✅ Iwas amoy – Para hindi mangamoy ang karne pag kinatay (boar taint)
✅ Mas mahinahon – Para hindi agresibo at mas madaling alagaan
✅ Mas mabilis tumaba – Di na nagfofocus sa pagiging dominante
📆Kailan ito ginagawa?
Karaniwang kinakapon ang biik sa edad na 7–14 araw o 2 linggo pababa, habang bata pa, para mas mabilis ang paggaling at mas kaunting stress.