Ace Your Finances

Ace Your Finances Looking for Financial Advisors

10/07/2026
10/07/2026

3 ways para hindi tumigil ang income
kahit hindi ka makapagtrabaho.

Mabigat isipin,
pero kailangan mong harapin.

Kung ikaw ang breadwinner,
isang tanong lang ang importante:

“Kapag tumigil ako…
may papasok pa bang pera?”

Kasi ang reality,
most income today
ay naka-depende sa effort.

Kapag nagtrabaho ka, may kita.
Kapag hindi, wala.

Kaya kailangan mong mag-build
ng system na hindi lang ikaw
ang gumagalaw.

Here are 3 ways.

1. Magkaroon ng income-generating asset

Hindi lahat ng asset
kailangan milyon agad.

Pwede kang magsimula sa property
na pwedeng paupahan.

Or small business
na may taong nagpapatakbo.

The goal is simple:
may pumapasok kahit wala ka.

2. Huwag iasa sa iisang source ang income

Delikado ang single income.

Kapag nawala yan,
lahat apektado.

Kaya habang may trabaho ka,
maghanap ka ng second stream.

Kahit maliit sa umpisa.

Importante, nagsisimula ka.

3. Mag-build ng financial buffer

Hindi ito income,
pero ito ang sasalo sayo.

Emergency fund.
Savings na pwedeng gamitin
kapag may biglaang pangyayari.

Kasi kahit may asset ka,
may panahon pa rin na kailangan mo ng cash.

Ito yung hindi napapansin ng marami.

Hindi sapat ang sipag.
Hindi sapat ang kita.

Kailangan may system ka
na tutulong sayo
kahit hindi ka kumikilos.

Dahil ang tunay na responsibility
hindi lang kung paano ka kikita ngayon.

Kundi kung paano tuloy-tuloy ang income
kahit hindi ka makapagtrabaho.

29/06/2026

Bakit ba kailangan mo ng insurance?
(Disclaimer: Not an agent.)

The same way kung bakit may TPL at comprehensive insurance ang sasakyan. Para kung maaksidente man o masira, hindi ikaw ang sasalo sa buong gastos.

Likewise, kung may health insurance ka, bawas na ang gastos mo sa ospital kung magkasakit ka.

Kung may life insurance ka, mapoprotektahan mo ang pamilya mo financially kung mawala ka nang maaga.

I think of it this way:
Mahirap kung ang sasakyan ay insured, pero ang driver ay hindi.

Address

Cararayan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ace Your Finances posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ace Your Finances:

Shortcuts

Share